Jade's POVPauwi na sana ako noong gabing iyon nang marinig ko ang event host na muling magsalita sa stage. It was Riza's wedding with her long time boyfriend Frank.
Kaibigan ko si Riza na nakilala ko lang sa gym noon. She invited me through e-mail. Ang plano ko lang that time ay sumaglit ng konting oras at pagkatapos ay uuwi rin kaagad. Ngunit natulos ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pangalan ni Althea.
Binibiro ba ako ng pagkakataon? Wala pa akong plano na kitain o magpakita sa kanya. Ngunit ano ito? Nagpalakpakan ang mga tao nang umakyat na siya ng stage. Tuwang-tuwa ang kaibigan ko na niyakap pa siya na animoy nanalo sa raffle at hindi mapakali sa sobrang saya.
"Althea ang ganda mo, akin ka na lang please!" Narinig kong hiyaw ng isang lalaki. Nilingon ko ito at tinapunan ng masamang tingin. Cute sana pero sorry siya dahil akin si Althea.
"Hello everyone!!! Sa newly weds binabati ko kayong dalawa. Congrats and best wishes!" Nakangiti niyang sabi. Namiss ko pati boses niya. Ugh!
Nagsimula na siyang kumanta. Halos malusaw ang puso ko habang pinapanood siya. Ang galing-galing niyang kumanta. Ngayon ko lang siya napanood kumanta ng live at sobrang nakakaproud. Hindi sinasadyang magtama ang aming mga mata. Lumundag ang puso ko sa sobrang tuwa at pagkasabik sa kanya. Maging siya ay nagulat rin pero mabilis ring nakabawi. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya kaya pansin ko ang sunod-sunod niyang pagsulyap sa akin. Nakangiting kinindatan ko siya upang malaman kung anong magiging reaksyon niya. "Bingo!" Napangiti siya ng malapad. Tipong hindi na makita ang mga mata sa sobrang pagkakangiti.
Walang mapagsidlan ang tuwa ko. Hinintay kong matapos ang pangatlo niyang kanta saka ako umexit upang abangan siya sa may parking lot.
Makalipas ang ilang minuto ay namataan na niya ako sa kanilang daraanan. Pansin ko ang hindi magandang pagkakatingin sa akin ng kasama nitong butch na lesbian na tila siyang manager nito.
Tumigil sila sa harap ko at nagkatitigan kami ni Althea. "Althea halika na! Maaga tayong aalis bukas." Hila rito ng epal na babaeng lalaki kung manamit.
"Mauna na kayo Batchi please." Sagot ni Althea na hindi inaalis ang tingin sa akin. Maging ang mga kasama niya ay tila naguguluhan at nawiwerduhan sa nakikita sa aming dalawa.
"Ikaw ang bahala." Napipilitan nitong tugon kay Althea. "Manong guard maiwan na po natin sila. Maaari na po kayong bumalik sa pwesto nyo." Utos naman nito sa dalawang security guards na agad na ring nagpaalam. "Althea hintayin ka namin sa van. And please huwag ka masyadong magtatagal."
Binalingan ito ni Althea at tinanguan. "Thank you Batch." Pagkaalis ni Batchi kabuntot ang driver at PA patungo sa van ay saka siya muling tumingin sa akin. "So kamusta ka na Jade?" Ngunit ngiti lang ang itinugon ko sa kanya. Gustong-gusto ko siyang yakapin at halikan sa mga sandaling iyon. Ngunit hindi ko pwedeng gawin. "Akala ko magtatagal ka doon sa London. Buti naman at nakabalik ka na."
"The day after tomorrow nasa resthouse ako. Sige na Althea, hinihintay ka na nila. Pauwi na rin naman ako sa condo ko." Ang lakas pa rin ng tahip ng dibdib ko habang titig na titig ako sa kanya.
"Maari ko bang malaman kung saan ang condo mo?" Hindi ko inaasahang tanong niya.
"Althea narinig ko ang sinabi ng manager mo na maaga raw kayo bukas. Pagbutihin mo muna ang trabaho mo, okay? Alam mo naman kung saan ako maaaring puntahan kapag hindi ka masyadong busy." Pagkasabi ko ay hinalikan ko siya sa pisnge malapit sa labi. Napasinghap siya sa ginawa ko. "Bye Althea and goodnight!" Nakangiting tinalikuran ko na siya at nagtungo na ako sa kotse ko. Muli ko siyang nilingon bago ako sumakay ng sasakyan.