Althea's POV
Maaga ko nang tinapos ang party para makauwi na kami ni Jade. Isa-isa na silang nagpaalam sa akin pauwi. Matapos kong mabayaran ang bill ay mabilis na nagtungo na ako sa opisina ng girlfriend ko upang sunduin na ito.
Ngunit hindi ko inaasahan ang mabubungaran ko. Si Jade habang yakap-yakap ng isang lalaki at hindi lang iyon. Nagpahalik pa ito sa kanyang pisnge. Kitang-kita ko kung paano siya natigilan lalo na nang kindatan pa siya ng lalaking iyon.
Parang tinusok ng punyal ang puso ko nang mapag-alaman kong si Richard Cuevas pala na ex-boyfriend nito iyon. Tiim bagang na naikuyom ko ang aking kamao.
Nang makaalis ang lalaki ay saka lang ako napansin ni Jade. "A-althea! Kanina ka pa ba diyan?"
Hindi ako sumagot. Anytime ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang galit. Kaya't tinalikuran ko na lang siya at mabilis na naglakad patungo sa parking lot.
"Althea! Althea!" Habol niya sa akin. "Althea please let me explain." Mas lalo ko pang nilakihan ang mga hakbang ko. Subalit naabutan pa rin niya ako at humarang siya sa daraanan ko.
"Jade huwag mo muna akong kausapin. Baka hindi mo magustuhan ang mga sasabihin ko." Garalgal ang tinig na bigkas ko.
"Althea mali ang iniisip mo. Pakinggan mo muna ako bago ka magalit." Makaawa niya sa akin. Ngunit hindi pa rin napapawi ang hapdi sa puso ko dulot sa aking natunghayan kanina. Muli akong naglakad hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ng kotse ko. Nakasunod pa rin siya sa aking likuran. Kaya't muli ko siyang hinarap.
"Jade kung may pakialam ka pa sa akin ay hayaan mo muna akong mapag-isa. Gusto kong mapag-isa!" Bubuksan ko na ang sasakyan ko nang muli niya akong pigilan.
"MK please.. Huwag tayong mag-away. Mag-usap tayo, kausapin mo ako." Naiiyak na niyang makaawa.
"Jade bakit ba ang kulit-kulit mo? Ayoko munang makipag-usap sayo. Hindi ka ba nakaka-intindi?" Pasigaw kong sabi sa kanya.
Natigilan siya at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. "Althea wala kang dapat na ipagselos kay Richard. Hayaan mo naman sana akong makapagpaliwanag muna."
"Sa ibang araw na lang natin pag-usapan yan Jade. Bigyan muna natin ng space ang isa't-isa para makapag-isip." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Nasasaktan ako pero iyon ang naiisip kong tamang gawin. God knows how much I love her. Pero sa tingin ko ay nalilito pa siya sa kung sino talaga ang gusto niya. Kaya bibigyan ko siya ng time para makapag-isip. Baka kasi nasasakal na siya sa ipinapakita kong pagmamahal sa kanya.
"Are you breaking up with me Althea?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa akin na aking ikinagulat. Never kong naisip na makipagbreak sa kanya.
"Of course not!" Mabilis kong sagot. "Gusto lang kitang bigyan ng time para pag-isipan kung tama ba ang naging desisyon mo na mahalin ako."
"Althea ano bang pinagsasasabi mo? I don't get it! Siyempre sigurado ako sa desisyon kong mahalin ka." Sa itsura nito ay tila napipikon na ito sa akin.
"Jade nakita ko kayo ng ex mo na nagyayakapan at hinalikan ka pa niya. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?"
"Kaya nga ako magpapaliwanag sayo eh! Bakit ba ayaw mo muna akong pakinggan?"
May mga taong paparating kaya't mabilis na akong sumakay sa loob ng sasakyan. Hinayaan ko lang siyang sumakay sa passenger seat. Walang imik na binuhay ko na ang makina at nagdrive na akong papalayo sa lugar na iyon. Ramdam ko ang maya't-maya niyang pagsulyap sa akin.
Jade's POV
Malayo na ang aming nalalakbay ni Althea. Ngunit wala pa ring nagsasalita sa amin. "Althea.." Basag ko sa katahimikan. Subalit hindi pa rin niya ako kinikibo. "Althea yong nakita mo kanina. Nagulat rin ako. Hindi ko naman alam na gagawin yon ni Chard eh."