Tagged Photo

3.7K 161 8
                                    

Jade's POV

5:00am sinundo si Althea ng driver at PA niya. Kaya't maaga akong naiwan sa kanyang condo at muli akong nakatulog nang makaalis siya.

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng celpon ko. Napatingin ako sa wall clock. Alas dyes na pala ng umaga. Uminat-inat ako at napahikab saka ko iyon dinampot at tiningnan kung sinong tumatawag. Napangiti ako at agad kong sinagot. "Hello MK?"

"Goodmorning sleepy head. Hey! Bangon ka na diyan. Don't skip breakfast. I love you.." Anito sa kabilang linya na hindi ko man nakikita ay alam kong nakangiti ito.

"Wala akong gana MK. Wala ka kasi dito eh." Tampo-tampuhan kong maktol sa kanya.

"No! Don't be pasaway mahal ko. You have to eat in the morning."

"Sige na po kamahalan. Heto na magluluto na po. What about you, did you eat breakfast?"

"Kanina pa po aking mahal. Hindi lang kita agad tinawagan kasi alam kong natutulog ka pa." Masigla niyang sagot sa akin. Subalit narinig ko na may tumawag sa kanyang pangalan na tila pinababalik na ito sa trabaho. "Okay po Direct. MK tawag na nila ako. Tawagan kita ulit mamaya ha? I love you."

"Okay, I love--" Hindi ko na natapos dahil disconnected na ang kabilang linya. "Seriously?" Inis na napailing ako at nagpakawala ng isang buntong hininga saka ako tuluyang bumangon sa kinahihigaan ko.

+++++

Nag-iba ng venue si Kylie. Sa isang private resort raw sa Batangas ang celebration. Kaya 5pm pa lang ay nagprepare na ako ng mga gamit na dadalhin ko.

Tinatawagan ko si Althea ngunit hindi nito sinasagot. Kaya itinext ko na lang siya.

To: MK A

MK naiba ang venue ng birthday party ni Kylie. Overnight sa isang private resort sa Batangas. I just wanna ask u sana kung okay lang sau but you're not picking up your phone.

Marahil busy pa siya sa taping kaya't hindi ko na hinintay ang reply niya. Nahihiya na rin naman akong tumanggi kay Kylie kaya sasama na lang ako. And she sent me already the location map. Mauuna na raw kasi sila magpunta doon.

+++++

7:30pm na ako nakarating ng resort. Saka lang ako nakareceive ng tawag mula sa girlfriend ko. "Hello MK? Nandito na ako sa Batangas kararating ko lang sa venue." Masiglang sagot ko. "Kamusta ka diyan?"

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "So huli na pala ang pagtawag ko. Sorry kung hindi agad ako nakatawag. Pinagbawalan kaming humawak ng celpon ni Direct kanina para makapag-concentrate raw kami sa trabaho."

She's seem disappointed nang sabihin ko na nasa venue na ako. Malungkot kasi ang tinig niya. "Ayaw mo ba MK na umattend ako sa birthday party ng kaibigan ko?"

"Hindi naman sa ayaw. It's just.. it's just that kinakabahan ako kapag malayo ka sa kin. May tiwala ako sayo pero sa mga kasama mo---"

"MK walang mangyayaring masama sa akin dito, okay? Huwag ka na magworry because I can take care of myself."

"Okay fine! Basta uwi ka ng maaga bukas ha? Miss na kita agad."

Sounds cute kilig na naman ako. Kung kaharap ko lang siya, marahil nahalikan ko na naman siya ng mariin sa labi. "Hmm.. you miss your baby down here?" I teased that makes her burst into laugh.

"Ano ba MK! You're such a tease." Anitong tawang-tawa pa rin.

"No worries MK! Because I'm sure she miss you too." Sabay tawa ko rin.

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon