The Bank Bar

4.3K 177 5
                                    

Althea's POV

Wala akong nagawa nang paupuin ni Rocco si Jade sa tabi ko. Bagaman gusto kong tumutol ay hinayaan ko na lang sila.

Napapatuwid ako ng upo sa tuwing nagkakadikit ang aming mga braso ni Jade. Hindi ako kumportableng makatabi siya habang katabi ko sa kabila ang boyfriend ko.

"Jade oh, pedro beer." Alok ni Rocco sa kanya.

"Okay thanks Rocco." Tugon nito matapos abutin ang beer. Hindi ko alam kung nanadya siyang idikit ang braso sa akin o malikot lang talaga siya kung maupo. Napapatingin ako sa kanya ngunit parang wala lang naman sa kanya. Kaya binalewala ko na lang.

Kinukulit niya si Wila na ngayo'y tawa ng tawa. "Jade ano ba! Hindi porque boss kita. Okay lang sa akin yang kalokohan mo."

"Ang OA mo naman. Sige na nga huwag na lang. Para naman yon sa my loves mo eh."

"Hayaan mo na siyang pagkaguluhan ng mga girls doon. Ayokong gumawa ng eksena. Mamaya ikaluge ng Bar mo. Sige ka!"

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Tama ba ang narinig ko? Ikaluge ng Bar ni Jade, teka siya ba ang may ari nito?

"Jade babalik ka pa ba don sa probinsya?" Tanong rito ni Jason. "Okay naman ang kita ng Bar mo oh, hindi ka ba nanghihinayang na baka ikalugi mo ang pag-alis-alis mo?"

"Kailangan kong bumalik doon eh." Sagot nito. "Veterinarian Doctor ako Jason. Masaya ako na nakakatrabaho ko ang bestfriend ng Mommy ko. Sa ganong paraan ay nagkakaroon ako ng pagkakataong makilala si Mommy. Kasi iniluluwal pa lang niya ako ay pumanaw na siya."

So totoong si Jade nga ang nagmamay-ari ng Bank Bar. Hindi man lang niya naulit sa akin. Minsan na naming napag-usapan yon dati. Nakaramdam na naman tuloy ako ng inis sa kanya.

"You had two branches of Bank Bar, right?" Sabi ng boyfriend ko na aking ikinagulat. Alam pala nito na si Jade ang nagmamay-ari ng lugar na iyon.

Dahil katabi ko siya ay sa akin muna siya napatingin bago sa boyfriend ko. "Yes Rocco, Alabang branch yong isa."

"Puntahan rin namin yon ni Bebe minsan. Kapag napadaan kami don sa Alabang."

"Oh, sure. Sabihan nyo lang si Wila para mabigyan kayo ng discount."

Napatawa ang boyfriend ko sa sinabi niya. "You don't have to give discount Jade, but thanks. Sayang naman ang tutubuin mo sa pagpunta namin."

"Kayo ang bahala." Sabay tawa nito. "Sa akin kasi mga kaibigan ko kayo. Kaya di baleng walang tubo."

"Oh, wow! That's so nice of you Jade. Cheers for her guys." Nagtaasan ng kani-kanilang mga iniinom to have a toss.

"Cheers!!!" Sabay-sabay na sambit nilang lahat. Sumakay lang ako sa trip nila.

"Excuse me guys. Magbabanyo lang muna ako." Paalam ko sa kanila. "Bebe CR lang ako."

"Wait Bebe aalalayan na kita. Medyo naparami na ang inom mo. Kaya mo pa ba?"

"Oo kaya ko pa. Malapit lang naman ang CR oh.." Ang totoo nyan ay nanlalambot na nga ang tuhod ko at medyo nahihilo na rin ako pero pinilit ko ang sarili ko na tumayo ng tuwid na kunwaring hindi pa nalalasing sa mga nainom.

"Okay, take care ha? Sabihin mo lang kapag hindi mo kaya." Ngumiti lang ako at tumango.

Pagkapasok ko sa loob ng CR ay doon ako nanlalambot na napasandal sa may wall at bahagyang napapikit ako habang nakasapo sa noo ang isa kong kamay.

Narinig kong bumukas ang pinto ngunit nanatili pa rin akong nakaganon. "Althea okay ka lang?" Saka ako muling napatuwid ng tayo. Kilalang-kilala ko kasi ang boses na iyon.

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon