Jade's POVTime comes fly...
Napakasaya ko sa mga araw na nagdaan. Bagaman naroroon ang away at tampuhan sa pagitan namin ni Althea ay madali naming naayos agad. Well, ganon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Mahirap tiisin lalo na kapag nakikita mong umiiyak na ito.
Birthday ni Doc Oscar kinabukasan kaya't nagtungo ako sa probinsya upang personal na mabati ito sa mismong kaarawan. Gusto ko sanang ipaalam na rito ang tungkol sa amin ni Althea. Subalit busy pa ang girlfriend ko sa mga commitments nya sa trabaho. Once a week lang ito magkaroon ng freetime na whole day talaga. Kaya hahanap na lang muna ako ng ibang tiyempo kung kelan ito magkaroon ng mahabang free time.
Matapos kong malinis ang buong bahay ay naisipan kong magrelax muna sa paborito kong tambayan.
Namiss ko ang napakasarap na simoy ng hangin. Napaka-espesyal ng lugar na ito sa akin dahil dito kami nagkakilala ni Althea.
Napabuntong hininga ako nang muling sumagi sa isip ko si Althea. Ano kayang ginagawa niya ngayon sa Manila? "MK sana naririto ka ngayon. Miss na kita agad." Mahinang sambit ko sa malungkot na tinig.
May narinig akong ugong ng sasakyan. Kaya't mabilis akong napatayo upang tingnan kung sinong paparating. "MK?!" Malayo pa lang ay kilala ko na ang sasakyan nito. Napangiti ako ng malapad.
Lumundag ang puso ko nang sandaling masilayan ko na siya. "Oh my god! You're here my love."
Agad na sinugod niya ako ng yakap at halik. "I'm sorry MK. Hindi na ako sanay na hindi ka nakikita sa loob ng isang araw. Kaya sumunod agad ako rito para makasama ka."
Nahampas ko ito sa braso sa sobrang kilig. "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon na nandito ka MK." Hinigpitan pa nito ang yakap sa akin. "Teka kala ko ba hectic ang schedule mo? Pano ka nakapuslit papunta rito?" Kumawala ako sa pagkakayakap niya upang harapin ito.
Napangiwi ito sabay himas sa kanyang batok. "Pinare-sched ko sa ibang araw."
"Sigurado ka ba diyan? Alam ba ni Batchi na pupunta ka dito?" Nagdududa kong tanong sa kanya.
"Okay, I will tell you the truth. Nagcancel ako ng appointment and oo alam ni Batchi na pupunta ako dito."
"Ano? Bakit mo ginawa yon?" Ang ayoko sa lahat ay ang napapabayaan nito ang trabaho dahil sa kin.
"Relax MK! Kinancel ko kasi.. talk show with Solenn ang segment. Special guest ako sa show niya."
"Then, what? Dahil ayaw mo akong magselos, ganon ba yon?" Parang batang napatango ito with puppy eyes pa. Sa halip na mainis ay napabulalas ako ng tawa at napayakap sa kanya. "Pasalamat ka cute ka mahal ko." Lambing ko sa kanya. "Thank you for considering about my feelings. Kahit hindi mo naman kailangang gawin yon. Maiintindihan naman kita kung sakali eh."
Kumawala siya sa pagkakayakap ko at sinapo ang magkabila kong pisnge. "Bukod sa ayaw kong ma-sad ka ay gusto rin kitang samahan sa birthday celebration ni Doc Oscar. Siyempre tatay-tatayan mo yon. Kailangan kong magpa-good shot sa kanya." Sabay kindat pa niya sa akin na muli kong ikinatawa.
"Ang sarap mong magmahal MK. Nalulunod ako sa mga ginagawa mo para sa akin. Sana noon pa kita nakilala."
Smock na kiss ang itinugon niya sa akin. "I love you so much mahal ko."
"And I love you more." Hinapit ko siya sa bewang against me at hinalikan siya ng mariin sa labi nang may pananabik.
Althea's POV
Bago tuluyang lumubog ang araw ay napagkasunduan naming maligo sa dagat. Napakasarap sa pakiramdam na animoy kami lang ang tao sa mundo. Mas masarap talagang kumilos ng walang anumang mga camera or media na palaging nakasunod. Dahil nagagawa ko kahit ano mang naisin ko.