Althea's POV
Nagising ako kinaumagahan na wala na si Jade sa tabi ko. Marahil ayaw niya akong makitang umalis. Napanbuntong hininga na lang ako. Kay bigat sa aking dibdib na hindi ko na naman siya makikita ng ilang araw or weeks or maybe months? Gosh! Kaya ko kayang hindi siya makita ng matagal?
Napabangon ako ngunit wala pala akong saplot sa katawan. Ewan ko ba! Sa tuwing nagkakadikit ang mga balat namin ni Jade ay parang apoy na palaging nagliliyab. Puro halik at pagdila lang naman ang ginagawa niya sa akin. Ngunit okay na rin iyon, nag-enjoy rin naman ako. Hinahangaan ko siya na mas inaalala niya ang kapakanan ko.
Pagkatapos kong magprepare ng sarili ko at pati na rin ng mga gamit ko ay inasikaso ko naman ang dalawang puppies na bibitbitin ko sa Manila. Nakakatuwa silang tingnan. Siguro nalulungkot ngayon si Kenshin kasi nawalay sa kanya ang dalawa niyang anak. Pero tingin ko naman ay maiintindihan niya rin ako. Sa mabubuting kamay ko naman sila ipamimigay at sa hindi kung kani-kanino lang.
Nadatnan pa ako ni Manang Lorna. Inagahan nitong sadya upang maabutan ako. "Manang Lorna may gusto lang po akong ipagbilin sa inyo."
"Ano po yon Ma'am?" Mabilis nitong sagot.
"Lutuan nyo po si.. si Dok Jade ng food kapag alam nyo pong nandiyan siya sa kabilang bahay. Mag-iiwan po ako ng pera sa inyo."
"Naku! Wala pong problema Ma'am. Mukha naman pong walang arte sa pagkain itong si Dok Jade. Pihadong magugustuhan niya ang mga luto ko."
Napangiti ako sa kanya. "Oo naman Manang Lorna. Ang sarap nyo po kayang nagluto."
"Binola mo pa ko Ma'am. Pero salamat po."
"Althea na lang kaya ang itawag nyo po sa akin at huwag nyo na rin po akong popoin. Para sa akin ay hindi na po kayo iba sa kin. Parang pamilya ko na po kayo."
"Sus! Ang batang ito. Napakabait mo talaga. Sige Althea na lang itatawag ko sayo. Tutal ay para na rin kitang anak kung ituring."
Napangiti ulit ako sa kanya at niyakap siya. "So pano? Mauuna na po ako. Kayo na po ulit bahala kay Kenshin." Gusto ko rin sana sabihing pati na rin kay Jade ngunit nahiya akong sabihin iyon.
Wala ang sasakyan ni Jade sa garahe kaya malamang ay nasa clinic na ito. Napabuntong hininga na naman ako. Mabibigat ang mga paang nagtungo na ako sa aking sasakyan. May naka-sched sa kin mamayang hapon. Kaya hindi na rin ako pwedeng magtagal.
Inayos muna ni Manang Lorna ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Bago ako nagstart ng engine at nagsimula nang magdrive.
Si Jade pa rin ang laman ng utak ko. Hindi siya mabura-bura sa isipan ko. Kahit pa magpatugtog ako ng napakaingay na music ay wala pa ring epekto. Naiisip ko pa rin siya.
"Jade please get out of my head! It's not funny anymore." Namalayan ko na lang na ibang daan na pala ang tinatahak ko. "Oh, shit! What I am doing here?" Nasa tapat ako ngayon ng Amanda's Clinic. Nakita ko si Jade na nasa labas na tila kinakausap ang mga alagang ibon ni Dok Oscar. Ang cute niyang pagmasdan. Ang puso ko ay tumatalon-talon na naman sa tuwa. Bumaba ako upang lapitan siya. Ngunit nagbago ang isip ko. Naisip ko na hindi ako pwedeng magtagal. Pihadong naghihintay na sa akin si Batchi sa condo ko. Napaatras ako at muling pumasok sa loob ng sasakyan. Sinulyapan ko siyang muli bago ako tuluyang lumisan sa lugar na iyon.
Jade's POV
Maaga akong umalis ng bahay upang hindi ko makita ang pag-alis ni Althea. Nalulungkot na naman kasi ako. Kahit naman umuwi ako ng Manila ay hindi ko pa rin siya makakasama dahil alam kong magiging busy na siya sa work niya.
Napabungtong hininga ako. Naniniwala akong babalik siya para makasama ulit ako. Hihintayin ko siya kahit anong mangyari.
"Jade mukhang napakalalim ng iniisip mo. May problema ka ba?"