Jade's POV
Itinuloy ko ang pagpunta sa London upang ma-divert ang utak ko sa ibang bagay dahil sa kaiisip ko kay Althea. I changed my hair style into red color. Nagmukha tuloy akong rebeldeng tingnan but I'm happy to see it.
I went to my relatives house. They doesn't know about my arrival. That's why they got surprised after seeing me. I'd missed them so much.
Nagtagal ako ng almost one month sa London. Kung saan-saan ako dinala ng mga pinsan ko kaya kahit papaano ay na-enjoy ko ang bakasyon ko.
Nakasakay na ulit ako sa eroplano pabalik ng Pinas. Susunduin raw ako ni Bianca sa Airport na for sure ay hindi na mapakali sa mga pasalubong na pinamili ko para sa kanila. Walang nakakaalam sa pag-uwi ko maliban sa kanya. Ang paalam ko kasi kina Wila ay hindi ko alam kung hanggang kelan ako sa London. Mabuti na rin yon para kung sakaling magtanong si Althea.. Teka, bakit nga ba siya magtatanong? Assuming lang ang peg? Naiiling na iwinaksi ko na iyon sa aking isipan.
Althea's POV
Umalis pala talaga si Jade ng bansa. Iniwan niya na talaga ako ng tuluyan kung ganon. Ilang beses akong nagpunta sa Bank Bar. Nagbabaka sakaling may masagap akong balita tungkol sa kanya. Ngunit itong si Wila ay tila wala talagang alam.
"Tsong, nandito ka na naman?" Inis na sita sa akin ni Batchi. "Tigilan mo na yang kaiinom mo. Alalahanin mo na nalalapit na ang susunod mong concert." Inagaw niya ang alak na hawak ko.
"Ano ba Batchi! Hayaan mo nga ako."
"Althea ano bang problema? Hindi ka naman dating ganyan. Maawa ka naman kay Rocco. Nag-aalala na sayo yong tao. Bakit ba basta ka na lang nakikipagbreak sa kanya ng walang dahilan?"
"Batchi please.. hindi ko naman pinababayaan ang trabaho ko ah." Pakiusap ko sa kanya.
"Althea akala ko ba walang lihiman? Ano toh?" Galit na ang tinig ng kaibigan ko. Ngunit sa halip na sagutin ang katanungan niya ay tumayo na ako at tinalikuran na siya
"Sige na ito na.. uuwi na.. Tigilan mo na yang katatanung mo sa akin dahil naririndi ako." Walang lingong-likod na nauna na ako sa kanya. Naabutan niya ako sa may parking lot. Medyo tipsy na ako kaya muntik na akong matumba nang bigla niya akong hablutin sa braso. "Batchi ano ba!" Inis na bulalas ko kanya. "Kanina ka pa eh. Hindi ka na nakakatuwa."
"Wow! So sa tingin mo nakakatuwa yang ginagawa mo? Althea bakit hindi mo magawang sabihin sa akin ang problema mo? Makikinig naman ako sayo eh."
Pumasok ako sa loob ng sasakyan at doon ako napabulalas ng iyak. Sinundan ako ni Batchi, pumasok rin siya sa loob at naupo sa kabilang tabi. Nag-aalalang napayakap siya sa akin. "Ano ba kasing problema Tsong?"
Nag-aalangan ako kung paano ako aamin sa kanya. "B-batchi.." I paused for a while. "Batchi I fell in love with someone. Hindi ko alam kung pano at bakit pero mahal ko talaga siya."
"Huh?" Gulat na napabitaw siya sa akin. "Kanino ka naman maiinlove? Jusko! Meron pa bang guy na hihigit pa kay Rocco? Althea naman eh!"
"Batchi katulad mo na rin ako.." Muli akong napabulalas ng iyak.
"What do you mean Tsong?" Takang tanong niya.
"I'm also a lesbian like you at oo babae ang tinutukoy ko. I fell inlove with a woman." Madiin kong pahayag sa kanya. "Nakakagulat di ba?" Sabay tawa ko ng mapakla.
Napatanga sa akin si Batchi na tila hindi makapaniwala. "Ikaw lesbian? Nagpapatawa ka ba?"
"How I wish na joke lang ang lahat ng ito Batchi." Nagpahid ako ng mga luha ko. "Kilala mo ba si Jade Harris? Yong magandang babae na racer na may ari nitong Bank Bar?"