Fall Apart

3.4K 156 9
                                    

Althea's POV


Inalis ko ang braso niyang nakapulupot sa akin at bumangon ako ng paupo. Pansin ko ang pagtataka sa maganda niyang mukha na napabangon din at naupo paharap sa akin. "MK galit ka ba sa akin? Sorry na oh!"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Kaya't iniiwas ko ang tingin sa kanya sabay palis ko ng aking mga luha gamit ang mga kamay ko.
"That's all you can say huh, sorry?" Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tinapunan siya ng masamang tingin.

"A-anong ibig mong sabihin?" Maang-maangan niya na mas lalo ko lamang ikinainis.

"Seriously, Jade?! Wala ka ba talagang alam o pinaiikot mo lang ako?" Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya nakaimik. "Wala ka ba talagang aaminin sa akin?" Dinampot ko ang celpon ko at iniopen ko ang twitter account ko. Saka ko iniabot sa kanya. Ngunit tiningnan lang nito ang hawak ko at muling ibinalik ang tingin sa akin. "Tingnan mo Jade! Tingnan mo para malaman mo kung saan nanggagaling itong galit ko."

Saka lang niya kinuha at isa-isa niyang binuksan ang mga tagged photos and videos na tila gulat na gulat at hindi makapaniwala. "Oh my god! No! Please MK let me explain." Bigla niyang makaawa sa akin.

So confirmed na totoo talaga ang mga nilalaman sa photos and videos na itinagged sa akin ng kung sino mang nagmamay-ari ng twitter account na iyon. Pero bakit kailangan niyang ilihim sa akin ito? Sana kanina pa niya inamin sa akin, baka maintindihan ko pa siya. Sinira niya ang tiwalang ipinagkaloob ko sa kanya. "Kung kelan ipinakita ko na sayo ang proof saka ka mag-eexplain? Pano pa ako magtitiwala sayo, Jade? Sabihin mo nga!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya dala ng sobrang galit.

"MK please listen to me. Natakot lang ako sa magiging reaksyon mo kaya hindi ko agad sinabi sayo. Pero sasabihin ko rin naman talaga sayo eh. Naunahan mo lang ako." Pilit niyang hinahawakan ako sa braso ngunit palagi ko naman iyong pinapalis at iniiwas ko ang katawan ko sa panaka-naka niyang pagtatangkang yakapin ako.

"At anong klaseng paliwanag Jade? Matapos mong makipaghalikan kay Arci tapos kay JC ka naman makikipaglandian, ganon ba yon? Jade daig mo pa ang pokpok sa mga pinag-gagawa mo!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. Dahilan para matigilan ako.

Kitang-kita ko ang galit na namutawi sa kanyang mga mata at matatalim ang mga tingin na ipinukol niya sa akin. "Althea naiintindihan ko ang galit at hinanakit mo dahil sa mga pictures at videos na natunghayan mo. Pero ang pagsalitaan ako ng daig ko pa ang isang pokpok? Althea ang sakit!" Hikbi niya. "Narinig ko na yan sa ibang tao but coming from you Althea dobleng sakit." Garalgal na ang boses niya dahil sa sobrang pag-iyak. "Ikaw na pinakamamahal ko ang magpapamukha at magpaparamdam sa akin na isa akong mababang uri ng babae? Fuck you!"

Gusto kong pagsisihan ang nabitiwan kong salita na hindi maganda laban sa kanya. Ngunit parang kulang ang salitang sorry para mabura ko ang anong mang salitang nabitiwan ko.

"Ayoko na Althea! Nakakapagod kang mahalin." Punong-puno pa rin ng galit ang kanyang tinig.

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Sa tono ng pananalita niya ay parang nakikipaghiwalay na siya sa akin. Sumaging muli sa utak ko kung paano siya nag-enjoy sumayaw sa harap ng ex boyfriend niya na naka-two piece. Kaya't muling nabuhay ang galit sa dibdib ko. "Pagod na rin ako Jade na intindihin ka. I'm sorry kung nasaktan kita sa nasabi ko. Kung.. kung nakikipaghiway ka na. Sige hindi kita pipigilan."

Umiiyak na napatango-tango siya. "Yeah.. It's better that way. Maghiwalay na lang tayo para hindi na tayo muling magkasakitan pa."

Sinundan ko siya ng tingin nang bigla siyang tumayo. May mga kinuha siyang gamit sa closet ko at pilit na isiniksik sa dala niyang bag. "Yong iba kong mga gamit na naiwan itapon mo na lang Althea."

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon