A song for her

4.3K 166 5
                                    

Althea's POV

Ang sarap sa pakiramdam na na-sold out na naman ang ticket sa concert ko. Isinama ko si Jade sa list ng mga VVIP upang doon siya maupo sa gitna at pinakaunahan ng stage para madali ko siyang makita. Ngunit tinanggihan nito iyon. Mas gusto raw nito maupo sa VIP lang katabi ang mga kaibigan nito. Bagaman medyo sumama ang loob ko ay hinayaan ko na lang siya.

Nagpeprepare na ako sa loob ng dressing room sa mga sandaling iyon nang biglang may pumasok na hindi ko inaasahang bisita. May dala pa itong flowers.

"Hi.." Hiyang bati nito sa akin sa pilit na pagkakangiti. Lumabas munang sandali ang stylist, make up artist at ang PA ko upang bigyan kami ng privacy. Lumapit ito at iniabot ang flowers sa akin. "For you nga pala. Goodluck mamaya."

"Oh, Rocco? T-thank you. Pero hindi mo na naman kailangang gawin ito eh."

"Shh.. Alam naman nating pareho na sa mga mata nila ay nobya pa rin kita. Kaya hayaan mo na akong gawin ito."

Inis na napabuntong hininga ako. "Magagalit si Jade kapag nalaman niyang ginagawa mo ito. Ayokong pag-awayan namin ito Rocco, kaya sana maunawaan mo."

Malungkot na napatungo ito. "Pasensya na beb-, sorry uhm Althea. Gusto lang kitang suportahan. Wala akong planong manggulo sa inyo ni Jade."

Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Namiss ko rin naman siya kahit papaano. Dangan nga lang at lumipas na ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil si Jade na ngayon ang minamahal ko.

Nginitian ko na siya at niyakap siya na yakap kaibigan lang. "Salamat Rocco sa suporta. Kahit nasaktan kita ay heto ka pa rin. Napakabuti mo sa akin." Gumanti siya ng yakap sa akin na may halong pagka-miss.

"Wala na yon Althea. Pilit ko nang kinakalimutan lahat ng nangyari. Nandito lang talaga ako para suportahan ka."

Sa ganong posisyon kami nadatnan ni Jade. Kaya't gulat na gulat akong kumalas sa aking pagkakayakap sa kanya. "J-jade?"

Akala ko ay mag-wawalk out ito. Ngunit sa halip ay lumapit pa ito sa amin at humalik sa pisnge ko. Pagkatapos ay tiningnan ng masama si Rocco. Napahawak ako sa braso niya para pakalmahin siya.

"Jade relax, okay? Wala akong planong manggulo sa inyo ni Althea." Paliwanag ng binata sa girlfriend ko.

"MK totoo ang sinasabi niya. Naririto lang siya bilang kaibigan." Sa akin naman siya tumingin ng hindi maganda.

Tahimik na nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. Baka lalo kasi niyang ikagalit. "Palalagpasin ko ito Althea ha? Ayokong sirain ang gabi mo." Galit nga ang tinig nito na tila pinipilit lang na magpakahinahon.

Agad na ring nagpaalam si Rocco at nauna nang lumabas ng dressing room.

"MK huwag ka na magalit. Ikaw na ang mahal ko ngayon. Kaya wala ka na dapat ipagselos pa sa kanya."

Itinirik nito ang mga mata saka muling tumingin sa akin. "Alam kong mahal mo ako Althea. Wala lang talaga akong tiwala sa ex mong iyon. Pano na lang kung bigla ka niyang gantihan dahil sa pang-iiwan mo sa kanya? Gamitin ang kasikatan mo para mapabagsak ka."

"Hindi naman siguro MK. Mabuting tao ang pagkakakilala ko sa kanya. Kaya hindi niya iyon gagawin sa akin."

"Kahit na Althea! Kailangan mo pa ring mag-ingat. Hindi lang dahil sa nagseselos ako. Iyon ay para protektahan ka sa maaaring gawin niya laban sayo."

"Sige na MK. Mag-iingat na ako. So please huwag ka na magalit." Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi para kumalma na siya.

Unti-unti ay napangiti na siya at niyakap na ako. "Kung hindi lang kita sobrang mahal." Anitong humahagikhik na ng tawa. "I love you so much. Proud na proud ako sayo." Kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisnge. "Galingan mo ha? Kapag kinabahan ka tumingin ka lang sa akin."

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon