Preggy

7.5K 237 36
                                    

Author's POV

"I miss you Wifey!" Sabay sugod ni Jade ng yakap at halik sa kararating lang na asawang si Althea.

"MK, ano ba.. hindi ka pa naliligo. Maligo ka muna nga." Anitong inilayo ang katawan sa kapareha.

Napasimangot naman si Jade at inamoy-amoy ang sariling katawan. "Hindi naman ako mabaho ah. Hindi naman ako lumalabas ng bahay."

"Kahit na! Dapat naliligo ka pa rin." Pagtataray nito sa kanya.

Naglahong bigla ang masayang mood niya kanina. "Hmp! Ang arte mo!" Napabusangot siya saka nagwalk out at muling sumalampak ng upo sa couch.

Naiiling na sinundan siya nito ng tingin at nagsimula na humakbang patungo sa kwarto upang makapagpalit muna ng damit pambahay. Galing ito sa Runner's Kitchen, restaurant nila ni Batchi.

Nang makaalis na ang kanyang asawa ay nahagip niya ang remote ng tv at pinalipat-lipat ang chanel. Subalit wala siyang maintindihan sa kahit na anong palabas. Dahil doon ay muntik pa niyang maibato ang hawak na remote dahil sa sobrang inis.

"Manang Marta!!!" Tawag niya sa katulong.

Humahangos na lumapit naman agad ito. "Yes po Ma'am Jade?"

"Gusto ko ng fishball. Pakibili naman po ako sa labas, please?"

Saktong bumababa naman ng hagdanan si Althea. "Anong fishball ang pinagsasasabi mo? Hindi ka pwedeng kumain ng street food. Makakasama sa baby natin yan."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Huwag mo nga akong kausapin. Naiinis ako sayo!"

Si Aling Marta ay nakatayo lang na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Bakit kasi nagsabay na magbuntis?" Mahinang bulong nito habang naiiling.

Matapos nilang magpakasal sa London ay napagkasunduan nilang pareho na magbuntis na iisa ang sperm donor para magkapatid pa rin ang mga sanggol na iluluwal nilang dalawa.

Three months na ngayon ang kanilang mga tiyan at dahil nasa stage pa sila ng paglilihi ay para silang mga aso't pusa. Pano ba naman kasi sila magkakasundo? Si Althea gusto palageng malinis at healthy foods ang mga kinakain. Maarte siya sa kanyang katawan. Hindi rin mawawala ang make up sa tuwing aalis ng bahay. Samantalang si Jade naman ay ubod ng tamad sa paglilinis ng katawan. Tapos kung ano-ano natitripang kainin. Lumulusog na tuloy pati katawan nito. Pati pagsusuklay ng buhok kung minsan ay kinatatamaran pa.

"Okay sorry na.." Hingeng paumanhin ni Althea sa kanya. "Buntis rin ako MK. Kaya sana nauunawaan mo rin ako." Ngunit hindi pa rin niya ito kinikibo. "Heto na MK yakapin mo na ako. Okay lang sa kin."

Itinirik niya ang kanyang mga mata at hinarap ang nagsusumamong asawa. "Patatawarin lang kita kapag may fishball na sa harap ko."

"Haay! Ang kulit ng asawa ko." Inis na binalingan nito ang katulong. "Manang bili ka na lang po ng mga sangkap para sa fishball. Dito na lang natin lulutuin."

"No!" Reklamo niya. "Gusto ko yong lasa ng fishball sa may kanto malapit sa school doon kay Mang Ipring."

Bago pa man muling mag-init ang ulo ni Althea ay nakisabat na si Manang Marta. "Ma'am Althea pagbigyan na lang po natin si Ma'am Jade. Baka makasama sa pagbubuntis nya kung hindi po natin siya pagbibigyan sa gusto nya."

Huminga ito ng malalim at tumingin muna sa kanyang mahal na asawa na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin.



Althea's POV

Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa katigasan ng ulo ng asawa ko. Sobrang naiinis ako sa mga inaasal niya pero sa huli ay ako pa rin palagi ang talo. Kung hindi ko lang talaga siya mahal ay baka sinukuan ko na siya.

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon