Jade's POVHindi ko na nakikita si Althea sa kabilang bahay. Marahil bumalik na siya ng Manila dahil sa trabaho niya. Hindi man lang nakuhang magpaalam sa akin. Kung sa bagay bakit nga ba siya magpapaalam? Kung ako nga mismo basta na lang rin umaalis ng walang paalam sa kanya. Muli na naman akong nakaramdam ng lungkot.
Nagpaalam ako kay Dok Oscar na mawawala ulit ako ng ilang araw. Nagpaline-up ulit ako sa car racing ng vios toyota cup na gaganapin ulit sa Clark Pampanga next week. Bago dumating ang araw na iyon ay nakapagpractice pa ako ng ilang araw.
++++++
I'm on the way na papunta sa location ng car racing sa Pampanga. Pasipol-sipol pa ako habang nagda-drive ng kotse ko. Lumipas ang mahabang oras ay nakarating din ako. Sinalubong ako ng mga ka-mate ko pagkababa ko ng kotse. Namiss nila ako sa ilang buwan na hindi nila ako nakikita at nakakasama sa mga racing nila.
Pinagsuot nila agad ako ng suit sa dressing room dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang program. Pagbalik ko sa waiting area kung saan naroroon lahat ng mga participants ay muntik pa akong matalisod. Isang familiar na mukha ang nabungaran ko.
"Jade please to meet Rocco Marcelino. Isa siya sa magpaparticipant today." Pakilala sa kin ni Coach Bernard.
"Oh, hi Jade! I heard a lot of things about you." Nakangiti nitong bati at nakipag-shake hands sa akin. "Rocco Marcelino here. How are you?"
"Hello Rocco! I'm good, how are you?"
"I'm good too. Thank you." Nagkangitian ulit kami. Medyo naiilang ako sa kanya kasi alam kong boyfriend siya ni Althea.
"Jade si Jason hindi mo ba papansinin? Namiss ka nito oh!" Tukso ni Mario na pasimpleng siniko ng kaibigang si Jason sa isang tabi.
"Harris huwag mong pansin itong si Laurel. Papansin lang ito." Nasanay ito na surname ang itinatawag sa mga mate.
"Bebe!!" Tawag ng isang familiar na tinig. Nakatalikod ako sa gawi nito kaya hindi niya ako pansin. "Pansensya na medyo traffic e." Saka ako napatingin rito. Nasaksihan ko tuloy ang paghalik ni Rocco ng mabilis sa labi niya. Napa-aray tuloy ang puso ko.
"Okay lang Bebe. At least narito ka para suportahan ako."
"Siyempre naman. First time mo ito kaya kailangan narito ako." Anitong inaayos ang kwelyo ng nobyo.
"Wow! Si Althea Guevarra Pre.." Narinig kong bigkas ng isa sa mga kasamahan namen.
"Ang swerte naman nitong si Rocco. Super ganda ng girlfriend." Sabi naman ng isa pa.
"Maganda rin kaya si Jade." Muling banat ni Mario sa isang tabi. "Di ba Jason? Torpe itong kaibigan ko kaya palaging nauunahan e."
Natatawang napabaling ulit ang tingin ko sa kanila. "Tropa kami nitong si Jason, Mario. Huwag mo nga siyang itinutukso sa akin." Sabay sulyap ko ulit sa gawi ni Althea.
"Jade?" Patay malisyang nginitian ko siya. "Racer ka rin?"
"Althea.. nice to see you here." Nakipagbeso ako sa kanya bilang pagbati bagaman gulat na gulat pa rin siya na makita ako doon.
"Magkakilala kayo Bebe?" Takang tanong ni Rocco.
"Ah yeah!" Nakangiti kong sagot. "We're neighbour in the province."
"Jade boyfriend ko nga pala, si Rocco." Pormal nitong pakilala. "Bebe siya yong nakabili ng rest house sa kabila."
"Alright! That is good, bebe. I'm so relieved to hear that. Palagi kang nag-iisa sa rest house na yon. At least hindi na ako masyadong mag-aalala sayo kapag umuuwi ka don. Mukha namang close na close na kayong dalawa nitong si Jade."