Jade's POV
Nakatambay kami sa condo ni Patty. Naroroon ang girlfirend niyang si Wila, andon sina David at ang bagong girlfriend na si Sally. Then sina Bianca at ang boyfriend naman nitong si Jake. As usual ako na naman ang walang partner. 🙄 Busy ang girlfriend ko eh.😏
Nanonood kami ng pang-noontime show sa tv habang nagdadaldalan. Nagkalat sa centre table ang junkfoods, pizza, soft drink at kung ano-ano pa.
"Kelan nga kayo magpapakasal ni Althea, Jade?" Tanong sa akin ni David.
"Hindi pa namin napag-uusapan ang date ng kasal. But for sure na invited kayong lahat guys. Punta kayo ha?" Sabay kagat ko sa hawak-hawak ko na isang slice ng pizza.
"Pards ang layo ng London. Libre ba pamasahe namin kung sakali?" Tanong naman ni Patty.
"Sus! Ang kuripot mo neh.. Pero sige walang problema. Bawi ka na lang sa gift." Tatawa-tawa kong sagot sa kanya.
"Sabi mo yan Jade ha? Walang bawian." Singit naman ni Wila.
"Aba! Oo naman. Pero kayo lang ni Patty ang ililibre ko. Di ba insan at David?"
Ngumiti at tumango si David habang si Bianca ay bumusangot naman ang mukha.
"Unfair ka naman Insan. Kadugo mo ako oh! Libre rin dapat ako."
"Baby ako na lang bahala sa ticket natin. Huwag kana magpalibre." Sabi naman ng boyfriend nitong si Jake.
"Yan narinig mo Insan? Si Jake na ang bahala kaya huwag ka na umangal."
Para sa showbiz balita. Althea Guevarra nagsalita na tungkol sa kumakalat na litrato na kaholding hands ang car racer hot chick na si Jade Harris. Matutunghayan ang exclusive na interview mamaya na pagkatapos ng "Masayang tanghali para inyo". Tutok lang mga kapanalig.
Natahimik kaming lahat habang ang mga mata ay tutok na tutok pa rin sa television.
"Gosh! Nagsalita na ang girlfriend mo Jade." Bulalas ni Patty. "Teka pahingeng tubig kinakabahan ako." Dagdag pa nito na agad dumampot ng bottled water.
Katulad ni Patty, pero mas kinakabahan ako kaysa sa kanya. Iinumin na nito ang hawak na tubig nang agawin ko iyon rito at ako ang uminom.
Napaingos ito sa akin at ang katabing girlfriend ang pinagdiskitahan. "My luvs I'm really thirsty." Hindi na nakapalag si Wila nang sipsipin na nito ang kanyang labi. 😂😂😂
"Oh, come on Dude!" Sambit ng tawang-tawa na si David, tinakpan nito ang mga mata ng girlfriend na si Sally.
"Hoy! Mga haliparot kayo!" Sabi naman ni Bianca na hinampas ang dalawa ng throw pilow.
Saka lang tumigil ang dalawa at parehong napabulalas ng tawa. "Inagawan kasi ako ni Jade ng tubig." Katwiran ni Patty na animoy batang inagawan ng candy ng kalaro.
"Anong akala mo sa bunganga ni Wila, balon?" Sabi ulit ng pinsan kong si Bianca saka ulit tumawa ng tumawa. "Kaloka kayo!"
Ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanila. Iniisip ko pa rin si Althea at sa kung anong sinabi nito sa kanyang interview. Nag-excuse ako sa kanila upang magtungo sa banyo. Lumilipad kasi ang utak ko.
Althea's POV
Matapos akong kausapin ng management ay pinasabak na agad nila ako sa isang exclusive interview. Pinabasa muna nila sa akin ang mga question na pwede nilang itanong upang mapag-isipan kong mabuti ang mga isasagot ko. Dahil sa interview na ito nakasalalay ang magiging takbo ng showbiz career ko.