Althea's POV
"MK! Ano ba.. nakikiliti ako sa ginagawa mo." Isiksik ba naman ang mukha nya sa kilikili ko.
"Huwag kang malikot!" Sabay kurot niya sa pisnge ng center ko.
"Awtch!" Nakangiwing daing ko habang sapo-sapo ng kamay ko ang nasaktang bahagi.
Taas ang isang kilay na nag-angat siya ng mukha sa akin. "Ayan ang likot-likot kasi. Pati baby ko nasaktan ko tuloy." Ibinaba niya ang nakatabing na comforter sa aming kahubaran at inalis niya ang kamay kong nakahawak doon. "Sorry baby ko." Then hinalikan niya iyon ng tatlong beses. "Hmmn.. ang bango-bango pa rin ng baby ko." Tawang-tawa ako sa ginawa niya. Nakakakilig ang taglay niyang kapilyahan.
"Grabe ka sa kin MK!" Hinila ko siyang pataas at nanggigigil na hinalikan ko siya sa lips. Wala akong trabaho today kaya't solong-solo ni Jade ang buong araw ko. "Mahal ko, may nais ka bang puntahan? Gusto mo bang mamasyal tayo?"
Nag-isip muna itong saglit bagkus ay napangisi ng nakakaloko na para bang nakaisip ng isang bright idea. "Dito na lang tayo MK. Dito kasi walang istorbo. Nagagawa natin ang gusto natin." Sabay hagikhik nito ng tawa.
"Ang naughty po ng fiancee ko." Nagpakawala ako ng kinikilig na tawa. "Kiss mo na nga lang ako. Mababaliw ako sayo eh." Sinunod niya ang sinabi ko. Pagkatapos ay tumitig siya ng matagal sa akin na tila may gustong sabihin ngunit nag-alalangang magsalita. "Yes tell me mahal ko. May problema ba?"
Nagbaba muna ito ng tingin saglit habang nag-iisip saka muling tumunghay sa akin. "Kaya mo bang.. kaya mo bang i-give up ang showbiz career mo para sa akin?" Hindi ko inaasahan niyang tanong sa akin.
Hindi agad iyon nagsink-in sa utak ko bago pa ako nakapagsalita. "Well kung kinakailangan. Oo kaya ko basta para sayo lahat kakayanin ko. Ang mas hindi ko kaya ay kung ikaw ang mawawala sa akin." Madamdamin kong sagot sa kanya na kanyang ikinangiti. "Gusto mo bang itigil ko na ang pag-aartista?"
She took a deep breath and look away. "I know na isa yan sa mga pangarap mo. It's just that... ayoko lang na may humahalik sayong iba." Seryosong baling ulit niya sa akin.
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Hindi siya selfish may pagka-possessive lang siya. "Pero okay lang naman na hindi mo gawin MK. Ayokong tumutol sa mga pangarap mo. Hindi ko na lang panonoorin ang mga show mo na may mga kissing scene or love scene."
Sa halip na sumagot ay kinuyumos ko siya ng halik sa labi at pumaibabaw ako sa kanya. We're still both naked at the moment. Ewan ko ba! Nakasanayan na nga talaga namin na matulog na magkabi na walang saplot. She keep me warm naman kasi kahit magdamag na bukas ang aircon. Ikaw ba naman ang magkaroon ng kayakap na diyosa tapos naked pa. 😍 Haay! Sarap kaya. Ahihi.. 😆 I'm so inlove with her.
++++++
Pagkatapos naming magbreakfast ay naupo kami sa couch habang magkakulitan na naman. Kung saan-saan kasi niya ako hinahawakan.
Ako naman ay heto at hindi rin magpatalo. Pareho kaming tawang-tawa sa isa't-isa. Halik dito, kagat doon, pisil dito at sundot doon. Matapos ang ilang minutong landian ay we end up na nakahiga at magkayakap sa couch.
Habang dinadama pa rin namin ang init ng yakap ng isa't-isa ay may biglang nagdoorbell.
"May inaasahan ka bang bisita MK? Akala ko ba akin ka lang the whole day?"
Napaisip ako kung sinong bisita ang maaaring magpunta gayong alam naman ni Batchi na kasama ko si Jade buong araw. "I have no idea mahal ko. Wait lang, titingnan ko." Tumayo ako para pagbuksan ang kung sino mang panauhin sa labas.
Pagbukas ko ng pinto ay ang dalawa kong kaibigan na sina Trixie at Kring ang nabungaran ko. Nakapamewang si Trixie habang si Kring naman ay naka-cross arm. Take note guys pareho silang nakasimangot. "Uy! Napasyal kayo mga mars." Patay malisya kong bati sa kanila sabay beso. "Pasok kayo sa loob." Nagkatinginan muna ang dalawa saka sila pumasok.