Althea's POV"Kiss me Jade please.." Ngunit napangisi lang siya sa akin at tumayo na. Hindi ako makapaniwala. Matapos niya akong i-tease ay ganon lang ang gagawin niya? Naipikit ko ang aking mga mata sa sobrang inis. Saka ako bumangon.
"Tara na kumain Althea. Nagugutom na ako." Anitong nagtungo na sa kusina.
Siya ang naghain sa mesa ng mga niluto ko habang ako ay heto't hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa ginawa niya. Nagtungo ako sa may counter para magtimpla ng aming kape. Tahimik lang ako at walang imik. Naririnig ko siyang nagsasalita ngunit hindi ko nauunawaan ang kanyang sinasabi.
"Althea tinatanong kita kung meron ka pang ketchup? Naririnig mo ba ako?"
"Tingnan mo na lang sa cabinet sa itaas." Seryosong sagot ko na hindi lumilingon sa kanya.
"Okay." Narinig kong tugon niya na alam kong panay ang sulyap sa akin.
Natapos na ako ng pagtitimpla ng kape kaya't bumalik na ako sa mesa. Uupo na ako nang biglang may pumulupot na braso sa bewang ko. Nang lingunin ko siya ay sinalubong niya ako ng mabilis na halik sa labi. "Nagtatampo ba ang mahal ko? Sorry na.. Huwag ka na magtampo."
Ngunit hindi ako nagpadala sa sorry niya. Tinanggal ko ang mga braso niya sa bewang ko at humarap ako sa kanya. "Gutom ka na di ba? So tara kumain. Maupo ka na sa pwesto mo."
"Althea hindi ako sanay na ganyan ang mukha mo. Kaya sorry na.."
Nagpakawala ako ng buntong hininga at tumingin ng diretso sa kanya. "Sige na okay na ako Jade. Maupo ka na don." Walang kangiti-ngiti kong sabi.
"Malungkot ka pa rin eh." Hinila niya ang damit ko sa magkabilang tagiliran para ilapit ang katawan ko sa kanya at hinapit niya ako sa bewang. Ilang inches na lang ang pagitan ng aming mga labi kaya't napalunok ako. "Wala akong ganang kumain kapag nakikita kong malungkot ang mahal ko."
Saka lang sumilay ang mga ngiti sa labi ko. "Jade naman eh." Tangkang hahalikan niya ako sa labi nang iatras ko ang ulo ko at mabilis na nakadampot ng ham sa mesa at naisubo ko sa bibig niya. Tawang-tawa niyang kinain ang isinubo ko sa kanya. "Hayan kumain ka muna dahil may pupuntahan tayo pagkatapos."
Nagtaas siya ng isang kilay. "At saan naman?"
"Kay Kenshin, iniwan ko siya kay Manang Lorna."
"Okay, namimiss ko na rin si Kenshin at ang mga puppies nila ni Ted." Hinalikan niya ulit ako sa labi at umikot na siya para maupo sa kanyang pwesto.
+++++++
Sabay ulit kaming naligo sa banyo gaya ng aming napagkasunduan. Sa pagkakataong iyon ay hindi na kami naiilang makita ang kahubaran ng isa't-isa. Mas naeenjoy ko na rin pagmasdan ang kanyang kasexyhan.
We're enjoying our kisses under the shower, when I felt her hands went to my breasts. Napadiin pa lalo ang paghalik ko sa lips niya dahil sa ginagawa niyang pagmasahe sa dibdib ko.
Mahal ko siya, sobrang mahal ko na siya. Kung pwede lang sana na hindi na umalis sa tabi niya upang hindi matapos itong kasiyahang nadarama ko ngayon.
"I love you Althea.." Masuyo niyang bulong sa tenga ko. Saka ako niyakap ng pagkahigpit-higpit. "Malulungkot ako kapag bumalik ka na ulit sa Manila."
Hinalikan ko siya sa ulo. "I'll come back for you Jade." Tanging naibigkas ng bibig ko.
Umangat ang ulo niya at tumunghay sa akin. Hinaplos ng kanyang mga kamay ang mukha ko at pagkatapos ay muli niya akong hinalikan ng mariin sa labi. Gumanti ako ng halik sa kanya. Marami na akong nakahalikan na lalaki bukod kay Rocco dahil sa trabaho ko bilang artista. Ngunit itong halik ni Jade ay iba ang hatid na kiliti sa akin. Siya lang ang may katangian nito na hindi ko naramdaman o nakita sa boyfriend ko at higit sa kanino pa man.