Althea's POV
After five set of songs from my album ay nagpunta na ako sa back stage para maiprepare nila ang table para sa pag-sign ng mga album ko na binili ng aking mga fans.
"Tsong kakaiba ang mood natin ngayon. Anyare?" Napansin siguro ni Batchi na hindi ako masigla.
Kanina habang kumakanta ako sa gitna ng stage sa harap ng mga fans ay pinilit kong maging alive at hyper. Upang mag-enjoy sila at hindi naman malugi sa pagbili ng aking album.
"Nag-away ba kayo ng boyfriend mong si Rocco?"
"Hindi noh! Alam mo namang bihira kami mag-away nun."
"Then why are you like that? Nakakapanibago ka kasi Althea. Kahit meron ka namang menstruation. Hindi ka ganyan e."
"Maybe signs of aging? I don't know Batch. I just felt like i'm not in the mood."
"Kung kelan mall tour ng album mo Tsong nagkakaganyan ka? Hindi pa ba sapat ang halos 3 weeks na bakasyon mo?"
"May.. may nakaschedule ba sa akin bukas?" Naiiling na pinagmasdan niya ako.
"Just do remember Althea. Hindi mo lang ako Manager or bestfriend. Pamilya mo ako, okay? Kaya kung may problema ka pwede mong ishare sa akin."
Napabuntong hininga ako at tumingin ng diretso sa kanya. "Don't mind me Batch. I don't have a problem, okay? Dala lang ng pagod at puyat sa trabaho. Yon lang yon. At kung meron man ay sasabihin ko agad sayo."
Pinag-aralan pa rin niyang mabuti ang itsura ko para makatiyak kung nagsasabi ako ng totoo. "Meron ka sanang naka-schedule na meeting with the artist records. But because you're not feeling good. Ako na lang ang pupunta. Just take good rest for two days."
Napangiti na ako nang sabihin niyang magrest ako ng two days. "Thank you Batch. Hulog ka ng langit sa akin."
"Tse! Basta pagbalik mo hindi na ganyan ang mukha mo. Teka sa condo mo lang ba ikaw mag-iistay or uuwi ka na naman sa resthouse mo?"
"Sa.. sa resthouse?" Nakangising sagot ko sa kanya?
"Aba anong meron doon at parang lumiwanag bigla yang mukha mo?" Natatawa nitong tanong sa akin. "Meron ka bang kailangang ipagtapat sa kin?"
Pinamulahan ako at napalunok. Feeling guilty tuloy ako. "Nanganak na si Kenshin ko di ba? Pinaalagaan ko siya sandali kay Manang Lorna."
"Ay oo! Buti ipinaalala mo. Birthday ng pamangkin ko next month. Pwede bang huminge ng isang puppy sayo?"
"Oo ba! Anim yon kaya mamimigay talaga ako. Si Rocco nagtampa rin ng isa para sa inaanak niya na mahilig sa dogs."
"Nakakatuwa naman Althea. Ang liit-liit pa dati ni Kenshin. Ngayon ay may mga anak siya. Kung hindi lang ako busy dito sasama ako sayo para makita sila. Ang cucute siguro ng mga puppies."
"Sinabi mo pa.. buti nga't halos lahat ay kamukha ni Kenshin. Hindi nakakuha sa asong lumapastangan sa kanya."
Napatawa si Batchi sa aking sinabi. "Wow! Luma-love life si Kenshin. Nadaig pa ako."
"Ano ba kasing nangyari na sa panliligaw mo kay Abby? Alam mo kung wala ka pag-asa sa kanya. Hanap ka na lang ng iba."
"Tsong naman! Ako walang pag-asa kay Abby? Sa pogi kong ito? Haha.. Pakipot lang ang babaeng yon. Hindi rin magtatagal at bibigay rin yon sa akin."
Naiiling na napatawa ako sa kanya. "Ms. Althea okay na po ang stage." Agaw pansin ng event coordinator. "Maaari na po kayong bumalik doon."
"Thank you Kimberly. Punta na kami ni Batchi." Nakangiti kong tugon sa babae.