Speed boat

5.7K 244 19
                                    

Althea's POV

Pagkagising ko kinaumagahan ay agad kong chineck si Kenshin. Medyo okay na ito ngunit matamlay pa rin. Binigyan ko siya ng food and then I went to the kitchen to make my own coffee.

Lumabas ako upang magpahangin bitbit ang kape. Napakaganda talaga ng paligid at sariwa ang hangin. Medyo tirik na ang araw ngunit malamig ang dumadamping hangin sa aking mga balat.

Maya-maya ay may narinig akong ingay ng sasakyang pandagat. Napatingin ako sa pinanggagalingan ng tunog at doo'y nakita ko si Jade na siyang nagmamaneho ng speed boat.

Napakaganda at napaka-sexy talaga ng babaeng iyon. Nakabestida ito ng manipis na tela na yellow ang kulay. Aninag na aninag ang suot nitong swim suit na panloob at nakapusod ang mahaba nitong buhok na binagayan pa nito ng shades sa mata. Nakatingin pa rin ako sa gawi nito hanggang sa maidaong nito sa tabi ang speed boat. Kasama nito ang kanyang aso na nauna nang bumaba ng speed boat at kumakahol habang hinihintay ang amo sa tabing dagat.

Napapahigop ako ng kape habang nakamasid pa rin sa kanya. I don't know what's happening to me. Ang alam ko lang ay naaaliw ang mga mata ko na pagmasdan siya. Ngunit bigla itong napalingon sa akin. Hindi ko iyon napaghandaan kaya't mabilis na nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Sa muling pagsulyap ko sa kanya ay nakangisi na ito na tila nakakaloko na naman. Inis na inirapan ko siya at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Napasandal ako sa likod ng pinto at napahawak ako sa aking dibdib. Ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko. Nag-inhale-exhale ako ng dalawang beses upang alisin iyon. "My god! Althea don't drink coffee too much. It's not good for you." Inis na sambit ko. May bahagi sa aking pagkatao na nagdidiktang silipin ko ito sa bintana. "No! Althea please don't." Ngunit ang mga paa ko ay tila hinihilang papalapit sa bintana. Heto na nga at hinahawi ko na ang kurtina. "Damn it! What's really going on Althea?" Nakita ko siyang pumasok na rin sa loob ng kanyang bahay. Saka lang ako  nakahinga ng maluwag at mabilis na umalis na sa tapat ng bintana.

Makailang sandali pa ay dumating na si Manang Lorna para maglinis. "Manang Lorna pagkatapos po ng mga gawain nyo. Samahan nyo po kay Doctor Oscar para mapatingnan itong si Kenshin."

"Opo Ma'am, wala pong problema. Bibilisan ko na lang po para makatapos agad ako."

"Take your time Manang. No need to be rush." Kinuha ko ang gitara ko at nagkulong muna ako sa kwarto. Susubukan ko ulit magcompose ng isang kanta.

+++++

Hila-hila ko si Kenshin papasok sa veterinary clinic. Agad na binati ako ng nakangiting staff nurse na siyang bumungad sa akin. Nakasunod sa likuran namin si Manang Lorna. "Hi Ma'am idol. It's been a long time po. Ngayon lang po ulit kayo napasyal dito."

"Oo nga Mercy e. Medyo naging busy lang ako lately. Si Dok Oscar nga pala nasaan?"

"Andon pa po sa loob. May pasyente pa po kasi." Tugon nito na napatingin kay Kenshin. "Ang laki-laki na ni Kenshin. Ano pong problema sa kanya?" Sabay himas nito sa alaga kong aso.

Hindi pa ako nakakasagot sa itinatanong nito ay lumitaw na si Dok Oscar sa aking likuran. "Hello Dear! Kamusta ka na?"

"Hi Dok! Okay naman po ako. Kayo po kamusta?"

"Heto tumatanda na pero pogi pa rin." Sabay tawa nito na ikinatawa ko rin.

"Siyempre naman Dok. Yan tayo e." Nagkatawanan ulit kami nito.

"Teka anong nangyari sa alaga mo? Mukhang matamlay." Tumingkayad ito ng upo para makapantay ang aso ko. May hinawakan itong part ng katawan na tila nakuha na nito kung anong problema sa aso ko. "She's pregnant Althea. Congrats! Magkakaapo kana." Tuwang-tuwa itong nakipagkamay pa sa akin.

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon