game 12✅

1.5K 35 2
                                    




-Asper-

"Aww——I'm going to miss you Miah."sabi ko dito at niyakap itong mahigpit. I'm going to miss this bubbly kid for sure.

"C-can't b-breath t——tita A."

"Mom...your going to kill ate Miah. I don't have a sister anymore."sabi ng anak ko. Mangiyak-ngiyak na nga ito. Two years old lang ang anak ko pero hindi na yan masyadong bulol magsalita.

"Oh——sorry Miah. I'm going to miss you."sabi ko nalang dito at hinalikan sa nuo. Pumunta naman agad ito sa anak ko na parang maiiyak na talaga. Mami-miss ko talaga ang pamilyang 'to.

"Hoy——Kenneth. Alagaan mo yang mag-ina mo kundi kukulamin kita... makita mo."pinandilatan ko ito ng mata. Tumawa lang naman ang mga ito. Alam naman kasi nilamg hindi totoo yun. At mas lalong hindi ko iyon magagawa.

"You can count on me Asper. I love them so much para gawin ko sa kanila yang nasa isip mo."natatawa nitong sabi at tumingin kay Carla na may ngiti sa labi. Oh my God... they really are in loved. Lailan kaya ako magkakaroon ng ganyan? Hindi sa inaasam ko iyon. Pero gusto ko rin namang magkaroon ng buong pamilya ang anak ko. Kagaya ni Kenneth na tinanggap nya si Carla kahit anuman ang nakaraan nito.

"Don't worry Asper. Alam ko naman ang pabalik dito pag nagluko ito. Diba love?"kumapit ito sa braso ng asawa at humilig sa balikat nito.

"Okay fine. Kayo ng sweet."I said and rolled my eyes. Syempre, kahit papaano naiinggit din ako paminsan-minsan. Madalang nalang kaya ang magkaroon ng ganyang estado sa buhay. Yung bang mahal nyo ang isa't isa.

"Mag-asawa kana kasi Asper. Masarap magkaroon ng asawa, diba love?"sabi naman nitong si Kenneth. Sarap batukan, eh. Talagang ipamumukha sakin na malungkot ang love life ko.

"Wag kang mag-alala. Pag nagkita tayo ulit may asawa na ako."

"Doubt it. Ha-ha-ha."bwesit ayy——ayaw pang maniwala. Wag sya...magf-fill up talaga ako for blind date. Makita talaga ng Kenneth na'to. Ipusta ko man pagmamay-ari ng pamilya ko. Syempre, wala naman akong paki-alam don.

"Yeah...yeah. Umalis na nga kayo."pagbibiro ko sa mga ito. Tinawag narin kasi ang flight nila.

"Your gonna be okay, right? You and Xav?"malungkot na saad ni Carla. Tumango lang ako. Kasi pag nagsalita pa ako baka mag-iyakan nalang kaming dalawa dito. Nakakahiya kaya.

"Come here Xav. Say bye to them."lumapit naman agad ito sakin.

"Bye Tito Ken. Tita Carla. Ate Miah."sabi ng anak ko at nag'wave gesture sa mga ito. Kita ko naman ang lungkot sa mga mata nito. Kagaya ko malungkot din sila na hindi na kami magkakasama. Di bale, malapit lang naman ang Pilipinas. Pwede padin namin silang bisitahin. Hindi naman siguro magku-krus ang mga landas namin ng mga yon. Ang laki ng Pilipinas para dyan.

"Bye Xav. Pag nagbago ang isip mo. Try to visit us, okay."alam ko naman ang tinutukoy ni Carla kaya tumango lang ako at ngumiti sa mga ito. Naglakad na ang mga ito papasok. Matagal-tagal din ang  pag-uusap namin, baka maiwan na din sila ng flight. Lumingon naman sila uli at nag'wave gesture samin. Kaya ganun din yung ginawa namin hanggang makapasok na talaga sila.

Game Of Love: the runaway heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon