game 25✅

1.5K 40 4
                                    


-Owen-

Hindi ko talaga ma'isip na ganun ang koneksyon nilang dalawa. Hindi ko alam na ganun nalang kalalim yung turing nya sa kanya.

"Who's Asper to you?"yun yung tanong ko sa kanya. Sa mga nalaman ko kasi may kinalaman sya. Hindi ko naman alam that their related before. Related sa kadahilanan ng issue nayun. Magaling talagang kumuha ng impormasyon ang investigator ko. At mas nawindang ako sa sagot nito.

"She's the women, who'd change me three years ago."kahit clueless ako sa sagot nya. Pinagtagpi-tagpi ko nalang ang sagot nya sa impormasyon ko. Hindi ko alam ganun na pala kalalim yung ugnayan nila.

"What do you mean?"

"...I'm in love with her Owen. Matagal na, hanggang ngayon."he confessed. Habang nakatanaw ito sa malayo. Akalain mo nga naman. Marunong din pala magmahal ang gago. Pero, may gusto pa akong malaman. But, I won't pry him that thing. Mahirap na, baka black eye na ang abutin ko. Ayoko ngang madungisan ang gwapo kong mukha. Ang mahal kaya ng maintenance ko nito. Paano nalang ang mahal kong Eris? Wala ng ganito sa mundo. Gwapo na, mabait pa. San kapa? Sakay na! Ayy...putcha. Ano na naman itong pinagsasabi ko? Langya!

"Baliw kana, Owen."bulong na sabi ng katabi kong si Mason. We're in the middle of a meeting. Iba yung nasa isip ko. Saklap. Iningusan ko lang din ang katabi ko.

"So, what do you think Mr. Castillo?"tanong sakin ng isang board member. Naisip ko narin yun. But, I want a new face na maging bagong cover ng aming  magazine. I want something fresh. I want something natural.

"I don't think... it work. Hindi naman natin ikaka'ila na Allison Smith is a great model. In fact, she'd been known internationally. But, parang gamit na...I mean, dahil sa pagka'known nito sa tao. You can't catch the attention of the people. The buyer."Hinawakan naman bigla ni Mason ang balikat ko. I hope he would agree with me.

"I agree with him. Allison Smith is well-used. Hindi yun masama. Pero, our aim here is to be on top. And is not fit with the issue. Kailangan natin ng bagong mukha."thank God. May kakampe parin naman ako dito.

"But, we're running out of time. Mr. Shin. Mahirap yang plano nyo."disagree ng isa. Tama naman sya. But, I don't like the idea parin.

"How about Eris Fuentes?"suggest ng isa pang board member. Not my Eris. Ayokong pagudin ng husto ang mahal. And she have a upcoming teial to win. Mapupunan lang ang obligasyon nya.

"I hate to disagree madame. But, Eris is our model sa isang product na kasamang ila-launche by next month. Kasama na nga nitong magazine."sabi ko. Ayoko namang pagudin ang mahal ko. Mahirap na.

"What now? Athena is already filed a retirement. Wala na tayong ibang option dito."ani ng executive director. And yes, ayaw ng magmodel ni ate Athena. Gusto nitong magretire in the peak of her rising career. Yun ang gusto nya and it's already been decided.

"How about the owner of AC Group of Companies and the president-CEO ng Ledesma Estate. They are a great pair. Total naman, bali-balita ngayon na ibibigay ng Ledesma Estate ang CEO position sa AC. And beside, Mr. Olivarez naman talaga yung lalaking model. Alam naman nating malaki yung issue about sa paglilipat ng posisyon at merging. Hindi ba?"make sense. May pakpak talaga ang balita eh, nuh? Kaya nga as much as maging pribado ang buhay namin ni Eris gagawin ko. Napabalita kasi kung bakit mas pinili ng Ledesma Estate ang AC dahil may relasyon ang dalawa. Since, bago lang naman daw sa business industry ang AC. Kaya nga good boy lang ako sa mahal ko. Mahirap talagang ma'issue.

Game Of Love: the runaway heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon