-Asper-
Papunta ako ngayon sa opisina ni uncle Manny. It's been a month since nagtrabaho ako dito bilang CEO. Nature ko narin kasi pag may kailangan ako sa isang department. Ako ang pupunta pag hindi ako masyadong busy. Baka matanong nyo kung ano nalang ang ginagawa ng assistant ko. Marami pa kasi yung ginagawa kesa sakin. Hindi narin kasi kami sabay na pupunta dito. Hindi lang din kasi bilang assistant ang trabaho nya. She's my representative of Riz. Kaya ang laki ng pasasalamat ko at nandyan sya.
Nakabili na kasi ako ng bahay. Bungalow sya but malaki ang garden. Kagaya ng dati kong tinitirhan. Pero hindi na yon yung dati. Gusto ko rin kasi pag naglalaro ang anak ko malaki yung lugar. So, condo is out of the option. Ayoko din naman sa malaking bahay dahil kami lang namang dalawa ng ansk ko. I didn't expose him from any computer games. Though, I give him cellphone. Para pag may kailangan sya pwede syang tumawag sakin. He knows how to call but sa text hindi. My son's not perfect. Malapit narin pala yung birthday ng batang yun. Hindi ko nga alam kong kaya ko bang ibigay yung hiling nya bawat birthday since nandito na nga kami sa Pilipinas. Hindi ko parin kasi kaya itong harapin. Natatakot ako. Hindi ara sa anak ko kung hindi ay para sakin mismo.
"Good morning ma'am.''
"Good morning."balik bati ko sa mga ito. Sa isang buwan na pamamalagi ko dito. Tanggap na siguro nila na ako na yung namamahala sa Ledesma Estate. Marami naring nagbago. Marami akong binago sa pamamahala dito. Maraming natanggal. Marami ring mga bago. I want fresh faces. Fresh ideas at hindi lang puro kababawan ang dala. Hindi naman kasi parang laro lang ang pagnenegosyo. Though, kailangan mo paring sumugal. Basta ba maganda ang kalalabasan nito. Hindi ko namalayan nandito na ako sa opisina ni uncle Manny. Deretso kasi ako dito pagdating ko.
"Hi. Is uncle Manny's here?"sabi ko sa secretary nya. Busy kasi ito sa mga papeles at sa computer nito. Mukhang pinapahirapan,eh. That's uncle Manny to you. Walang sinasayang na oras. Bawat minuto sa kanya mahalaga. Kaya nga I look up to him as my role model than my own father by blood.
"Ayy——sorry ma'am. Nandyan na po."sabi nito sabay ayos ng eye glasses nito. Bata pa naman ito, pero malabo na yata ang mata. Nginitian ko nalang ito at kumatok na sa opisina ni ucle Manny.
"I told you miss Reyes pag hindi importante yang sasabihin mo. Wag mo akong istorbohin."dere-deretsong sabi dito na hindi man lang tumingin kung sino ang dumating. Ang dami naman ata nitong ginagawa.
"Ahh...aalis na muna ako uncle. Nakaka'istorbo ata ako."naka'ngisi kong sabi na nagpa'angat ng tingin nito. Hindi naman nito ako matitiis. Minsanan lang ako kung bumisita sa opisina nito.
"I'm sorry hija. Hindi ko naman alam na ikaw yan, upo ka."umupo naman agad ako sa couch na nandoon.
"Busy?"tanong ko dito.
"Not really. May hearing ako sa isang kaso bukas, kaya medyo may pinagkaka'abalahan. Why are you here anyway?"umupo na ulit ito at pinagsalikop ang mga kamay na tumingin sakin. Hindi naman kasi nakafocus lang sa kompanyang 'to ang serbisyo nya.
"Tatanong ko sana yung mga proposal for the merging."hindi ko kasi alam kung sino ang tatanggapin kong proposal. Ewan, I know kilala ko yung may-ari ng isang proposal. Bakit ba? Eh, ama yun ng anak ko. Pero bilang namamahala sa kompanya. Kailangan ko ring marinig ang mga suhestyon ng bawat isa. Hindi lang naman ako ang magdedesisyon.
BINABASA MO ANG
Game Of Love: the runaway heiress
RomanceAng gumawa ng katuwaang bagay ay hindi na bago kay Asper. Kaya ng matalo ito sa pustahan ng kaibigan nitong si Chloe. It ends up into a reckless dare na nagpabago sa buhay nito. Tunghayan natin ang buhay ni Asper. Between friends, family, love and...