-Owen-
I'm heading right now at Aiden's office. Wala lang. Gusto ko lang itong kausapin. Nitong nagdaang buwan, mukhang hindi na sya masyadong busy. Ewan lang anong nakain nito at biglang nag-iba. Medyo bumalik na kasi ito sa dati. Eh, kasi ba naman. Pag may usapang magkikita ang barkada. Lagi na syang nandoon. Siguro din lang dahil sa sinabi ni Mason noon. Buti nga nataohan ang loko. Mas mabuti na rin yon.
"Hey dude."sabi ko dito na walang katok na pumasok sa loob ng opisina nito. Pareho naman kaming nagmamay-ari ng kompanya. Pero mas focus sya kesa samin. Hindi na matatanggal ang pwet nito sa upuan pag nagsimula na itong magtrabaho. Hindi kagaya ko. May oras paring magkalove life. Ito wala na yatang plano pa. Kulang na nga lang pakasalan nya yung trabaho nya.
"What are you doing here?"ayan naman lagi ang bati nya samin. Sanayan lang yan. Mabait naman ito kahit papano. Nasanay narin ako sa ugali ng kaibigan kong 'to.
"Wala dude. Na-miss lang kita. Masama?"pabiro kong sabi dito. Sumimangot lang naman ang loko. Alam na alam kasi nito pag bumisita kami ay may kailangan lang. Hindi naman palagi. Pero madalas.
"What do you want, now? Alam mo Owen...kung hindi ko lang alam na magka'iba yang ugali mo kay Mason. Matagal na kitang binigwasan."biro din nito sakin. Alam na alam na talaga nito ang hilatsa ng barkada. Hindi mo talaga ito maiisahan. Tsk! Tsk! Tsk! Sa aming dalawa ni Mason. Ako palagi napagdidiskitahan. Wala naman akong gagawing masama.
"Dude...pag ba pupunta dito, eh kailangan pa ng abriso mo."sabi ko at umupo sa kandungan nito. Habang nakakapit ang braso ko sa leeg nito. Ganitong eksina ang naabutan ng bago na namang secretarya nya.
"Shit."
"Ahh——sorry s-sir. H-hindi ko po sinasadya. W-wala po a-akong nakita promise. Cross my heart po and hope you die este to fly po. Ganun...ganun nga po."what the? Gusto ko ang secretary na'to ni Aiden. Ngayon ko lang nakita na may sumasagot dito. And it earn me to laugh louder than I can. Shit.
"Shut up Owen. Yes, Ashley?"para na namang nakalunok ng sama ng loob ang itsura nito. Ang galing talaga magpalit-palit ng facial expressions ang gago. Pwede ng mag-artista. Though, nagagamit nya ang itsura nya sa pag momodelling nya. Ayaw nyang bitawan ang propesyon nyang yan kasi dyan daw sa nagsimula. At ang tumayo sa sarili nyang paa. Tama naman ito. Nakita namin itong magpursige kung paano bumangon ng itakwil ito ng ama.
"Ahh——ito po pala yung pinakuha nyong papeles ng accounting department sir. At sir sorry po talaga. Kumatok po talaga ako. Pagpasensyahan nyo na po. Sa susunod po mas lalakasan ko na ang katok para marinig nyo po ng maiigi. Wag nyo lang po akong tanggalin."nahihingal nitong sabi sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa sa bansa. Nakakatuwa talaga itong bagong secretary ni Aiden. Sana lang hindi nga ito tanggalin. Mukhang ito palang ang kayang sumagot sagot sa kaibigan ko. It's a good thing , yes.
BINABASA MO ANG
Game Of Love: the runaway heiress
RomanceAng gumawa ng katuwaang bagay ay hindi na bago kay Asper. Kaya ng matalo ito sa pustahan ng kaibigan nitong si Chloe. It ends up into a reckless dare na nagpabago sa buhay nito. Tunghayan natin ang buhay ni Asper. Between friends, family, love and...