-Asper-"...Mariana."hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni mommy sakin. Hindi ko aakalain na sa dinami-daming sinabi nito ay hindi pala patungkol sakin. Naguguluhan na ako. At isa pa, sino si Mariana?
"Anak."sobrang nagulo ang isipan ko sa pangyayari noong isang araw. God!
"Anak."shit!
"Dad! I- I'm sorry, may iniisip lang ako. Ano po yun?"pati dito sa ospital. Si mommy parin iniisip ko.
"Never mind. Nakatulala ka kasi. Tinatawag ka ng apo ko."gustong-gusto kasi nitong tinatawag nyang apo si Xav.
Binalingan ko naman ang anak ko. Na nasa tabi ko lang."Yes baby?"
"Lolo said, he own a big mansion. Gusto ko po doon."sabi ng anak ko. May sayang nakikita sa mga mata nito. Tumingin naman ako kay dad.
"Anak. Sa bahay na kayo tumira. Gusto kong makasama ang apo ko. Pati na ikaw."kita sa mata nito ang lungkot. Ganito ba talaga pag nagising ka sa coma? Bumabait. Hindi naman sa masama sya noon. Hindi ko lang talaga nakikita at nararamdaman ang pagiging ama nito sakin noon. But people's change.
"...but dad. May bahay naman po kami."pagtangggi ko sa ama ko. Hindi sa ayaw kong lumipat sa bahay ng ama ko. But may mga alaala ako na ayoko ng maalala pa.
"Mom! I want to be with lolo po. If you want po...I'll visit po sa bahay natin. But, I'm going with lolo. I want to be a prince. Sabi po kasi ni lolo, he have a castle as a house."napasimangot naman ako sa sinabi ng anak ko. Ilalaglag talaga ako? Sa sarili kong anak? At ano yun? Bibisitahin nya ako sa sarili namaing bahay. Totoo ba itong naririnig ko sa anak ko.
"Anak...pumayag kana. Ayaw mo bang maging masaya ang apo ko?"ito talagang si daddy kinonsensya pa ako. Eh, kailan ko pa ba hinindian ang anak ko. May minsan pala, nong sinabi nitong puntahan namin ang tatay nya. Ang dami kong ginawang rason para lang hindi ito magpumilit.
"Mom! Please...pretty please."kailan pa natutong mambola ang anak ko?
"We don't have a problem, do we? Napatawad mo na naman ako, diba? Hindi ka naman na galit sakin?"ang drama ng pamilya ko. Nagmana pala ako sa pagka'artistahin ng ama ko. Wala na naman akong sama ng loob dito.
"Fine. Wala naman akong choice, diba dad? Pinagtulungan nyo na akong dalawa,eh."pagpayag ko dito. Knowing Xav, kukulitin ng kukulitin lang ako nito hanggang sa pumayag ako. Hindi naman na masaya iyon. Gusto ko rin magkapalagayang loob kay dad. Awkward pa kasi ang pagitan saming dalawa. Okay narin yun, mas mababantayan ko ang paggaling ng ama ko. Kailangan pa kasi itong bantayan. Malapit kasi sa puso ang pagtama ng baril.
BINABASA MO ANG
Game Of Love: the runaway heiress
RomanceAng gumawa ng katuwaang bagay ay hindi na bago kay Asper. Kaya ng matalo ito sa pustahan ng kaibigan nitong si Chloe. It ends up into a reckless dare na nagpabago sa buhay nito. Tunghayan natin ang buhay ni Asper. Between friends, family, love and...