game 19✅

1.5K 37 0
                                    





-Asper-

"Ma'am A. Nandoon na po lahat sa conference room."ang pormal naman nitong si Carla. Hindi talaga ako sanay  pag ganyan sya ka pormal. Eh, paano naman kasi hindi nauubusan ng kalukuhan ang babaeng 'to.

"Tss...too formal Carla. Mas sanay ako sa mga pangkalyeng salita na lumalabas dyan sa bunganga mo."Biro ko dito. Papunta narin kami ngayon sa conference room. Sana naman magimg okay yung meeting. Nakakapagod din kasing haraoin ang mga problema sa kompanya na iniwan ng ama ko.

"Ehh...kasi naman. Bilyong kompanya 'to, teh. Kaya konting kembot sa kapormalan naman."balik biro nito. Nandito na pala kami. Sa isang buwan na nagtatrabaho ako dito. Suki na ako sa conference room. Agad din naman akong pumasok kasunod si Carla. Namayani sa lahat ang katahimikan. Nagpapakiramdaman. Walang nagsasalita. Tila iniisip kung ano ang sasabihin. Right. Hindi pa nila ako kilala ng personal. Sa pangalan lang. Not if they investigated me. Ako pa ba ang pahuhuli sa mga ganyan. Gamay ko nayun since umalis ako sa poder ng magulang ko before. Tss! Puro pa man lalaki itong ka'meeting ko maliban samin at sa mukhang prostitute na secretary ng Wing Corporation. I assumed. Alam ko kasi na ang may-ari at si Kenneth lang ang representative ng AC.

"Gentlemen...and lady."sabi ko sa lahat. Nagsitayuan naman ang mga ito at nagpakilala isa-isa. Hanggang sa ako na at ang dalawang may-ari ng kompanya kasama ang babae. Ngayon ko lang din nalaman na executive director pala ng AC itong asawa ni Carla na si Kenneth. Tingnan ko lang si Carla ng you-need-to-explain-me look. Ngumiti lang naman ito. Bigatin din pala itong si Kenneth hindi man lang sinabi ng bruha.

"I'm William the CEO from Wing Corporation, but you can call me Liam. Babe."sabi nito sabay kindat at halik sa kamay ko. Instead, of hand shaking it. Kapal. Eh, hindi naman ako nadadala sa mga ganyan. Mas gwapo parin ang ama ng anak ko. Syempre, magiging bias na ako. Magkamuha sila, eh.

"And I'm Allison the COO. Ohh...and his girlfriend."sabi ng babaeng si Allison. Kinamayan din ako nito na may konting diin. Sakit nun hah. Ganito ba umasta ang isang head ng kompanya? Why not she work for a club? Bagay naman sa suot nyang ka ikli. Konting galaw makikitaan na. Wala namang dress code sa ganitong trabaho. Pero minsan ikaw na yung mag-aadjust para respetuhin ka ng tao.

"I'm Asper CEO and president of Ledesma Estate...and I'm not interested."sabi ko na ikinatawa ni Carla. Narinig siguro nya ang sinabi ko. Ang hangin din pala ng Wing Corporation. Their company's name fit them perfectly. Tumingin naman bigla ang buong board members kay Carla na tawa parin ng tawa.

"Ohh——ahm. Sorry. I remember something when my husband getting naughty with me."sabi ni Carla. Kenneth got a playful wink from her. Namula ito at yumuko nalang. I can't help but to chuckle. Nawerduhan naman ang mga ito. Bskit? Masama bang tumawa at bigyan ng simpatya ang isang kaibigan?

"Ahh...I'm Aiden CEO and president of AC Group of Companies."pakilala naman nito. Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng anak ko. Namin pala. Ayoko namang itanggi yun. Mas naging gwapo ngalang ito at mas lumaki ang katawan. Naging mas matured din ang physical feature nito.

"Uhm...ma'am A."bigla naman akong siniko ni Carla. Shit! Did I check him out? Tss!

"Ahhm...I'm Carla. Her secretary and personal assistant."si Carla na ang nakipagkamay dito. Baliw talaga. Inirapan lang naman ako ng gaga. Sigurado ako na pagtatawanan na naman ako ng mag-asawa. Nakakita na naman sila ng rason para biruin ako. Kung hindi ko pa nasasabi. Alam nila kung sino ang ama ni Xav. Congrats to them. Hindi nila pinahalata sa tao na kilala nila ito. Not after they meet him.

Game Of Love: the runaway heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon