-Owen-Baliin na lahat ng mabali. Basagin na lahat ng mabasag. Sirain na lahat ng pwedeng masira. Ito na yata ang pinakasirang bagay——lugar na nakita sa tanang buhay ko. Ngayon ko pa lang nakita na ganito kamiserableng tingnan si Aiden. For almost four years na binago sya dahil sa pag-ibig nayun. Ngayon ko lang ito nakitang ganito.
Kahit naman siguro ako kung malaman-laman ko sa babaeng mahal ko, that I have a child with her. Hindi ko din alam ang pwede kong magawa. Worst is...baka mas malala pa sa ginagawa ngayon ni Aiden. Matinik din 'to, eh. Nakapag' produce na pala ng sariling lahi.
"Stop it dude."naagaw ang pansin ko sa sumigaw na si Mason. Isa pa din ito, eh. Hindi din hinarap ang responsibilidad ng kagagohan nyang ginawa. But on the other side, alam ni Mason. Hindi katulad ng kay Aiden na kailangan pang biglain ito sa mga nalaman.
"S-shut *hik* u-up. M-mind *hik* your *hik* own b-business."kahit lasing. Matatas parin magsalita ang gagong Aiden. Ako lang yata ang hindi uminom. I can't handle one. Dalawa pa kaya? Isa pa, baka pagalitan ako ng Eris baby ko. Takot ko lang sa mahal kung yun. Mahirap ng mawala sya ulit sakin.
"That's enough, dude. Umuwi ka nalang."wika ko kay Aiden.
"P-paano *hik* ako u-uuwi kung d-dito ako *hik* nakatira?"sagot nito sabay lagok ng beer sabay tapon sa pader ng living room nya. Oo nga naman, ano? Ngayon ko lang napagtanto.
"Fine! Just...just stop throwing bottled beer, dude. Sayang pinangbili ko dyan. Itatapon mo lang."sayang pera ko dyan, no. Akala mo kung sino kung makatapon hindi naman sya yung bumili. Nagdabog lang naman itong paakyat sa taas ng kwarto nya. Narinig pa namin kung paano nito pabagsak na sinara ang pinto ng kwarto nito. Same old Aiden pag' nagagalit.
Napansin ko namang tumayo na si Mason. Uuwi na siguro 'to."Ou? Uuwi kana?"
"Ano pa nga ba?"
"Don't tell me. Babaliwalain mo parin iyong mag-ina mo? Wag ganun Mace. Baka pagsisihan mo."pangaral ko sa kanya. Wala namang ibang magsasabi doon kundi ako. Alangan namang si Aiden, eh isa pa ang gagong yun. Ang tatanda na sana.
"Wag mo akong simulan Owen. Masakit ang ulo ko."
"What? My fault now? Sino ba ang iinom-inom, hindi naman kaya? Your hopeless, dude. Ang pangit mo."isa pa Ito, eh. Ang sarap lang batukan ng dalawang 'to. Pag' ako hindi nakapagpigil. Itutulak ko talaga 'to sa bangin. Ang hirap nilang basahin.
"Tss."yun lang ang sinabi nito at kagaya ni Aiden. Pabagsak din nitong sinara ang pinto. Now what? Makauwi na ngalang at wala na akong gagawin dito. Ibibilin ko nalang sa security ng subdivision na hindi palabasin si Aiden. Hindi uso condo dun, eh. Mayaman eh, kaya mansyon bahay. Though, he owned one. Paalis na ako ng may biglang kumatok sa main door. Wag mong sabihin na bumalik si Mason? Pero narinig ko yung sasakyan nya na umalis. Out of curiosity... pinuntahan ko ito para malaman kung sino.
"Sino ba——A-Asper?"
"H-hi."
"W-what are you doing here? Paano mo nalaman ang bahay nya?"sunod-sunod kung tanong. At paano sya nakapasok dito. Don't tell me, hindi sinara ni Mason yung gate. Pero hindi eh, mahirap makapasok sa subdivision na'to kung wala kang kamag-anak o kaibigan dito.
BINABASA MO ANG
Game Of Love: the runaway heiress
RomanceAng gumawa ng katuwaang bagay ay hindi na bago kay Asper. Kaya ng matalo ito sa pustahan ng kaibigan nitong si Chloe. It ends up into a reckless dare na nagpabago sa buhay nito. Tunghayan natin ang buhay ni Asper. Between friends, family, love and...