game 39✅

1.5K 32 0
                                    

-Asper-

Sabi nga nila... you can't predict the future. At pinaniniwalaan ko na ito ngayon. Kahit siguro anong advance ng plano mo bukas, sa isang linggo, sa isang buwan o sa isang taon pa. Hindi mo parin malalaman ang kasunod nito.

Dalawang linggo na ang lumipas ng makalabas ako sa hospital. Sabihin nalang natin. When he declared his love to me. Naging mas maganda at better ang relasyon naming dalawa. Lalong-lalo na sa anak kong si Xav. Nagiging mas close pa nga ito kesa sakin, eh. Nakakaselos, oo. Pero napagtanto ko rin na.... pambawi iyon sa mga taong ipinagkait ko sa mag-ama. Mahal ko, eh. Nalaman ko narin ang totoo tungkol sa tunay kong pagkatao. Na yung tunay kong ina ay si Mariana Anderson at hindi si mom. Oo nagalit ako. Pero napaliwanag na nila saming dalawa ni dad. Matagal na palang alam nila uncle Manny. Natanong pa nga nila kung kinamumuhian ba nila ako dahil sa sekretong tinago nila for more than... what? Twenty nine years. Ang tanda ko na, no? But the fact na wala akong maramdamang pagkamuhi sa puso ko. Galit siguro, pero alam ko. Huhupa din ito.

Mas galit? Aah.....sa nanay kong mapagpanggap. Mapang'api at mapangmata. Pero paano ba? Nasa rehab na ito at alam kong hindi nya masasaktan ang pamilya ko. Kagaya ng ginawa nya sa sarili nyang anak. Tuso ako, pero mas tuso sya. Siguro ganyan talaga pag' nagmahal ng sobra. Nagagawa mo ang isang bagay na hindi aakalaing magagawa mo. Kaya nga nagawa nitong barilin ang dad ng dahilan sa pagkaka'coma nito. At ang malaking peklat sa likod ni mama Mariana sa likod ng dahil sa sunog. Yung pang' bla-blackmail kay lola na naging sanhi ng depression at ikinamatay nito. At lahat ng yun, kagagawan ng tinuring kong ina. Thanks to uncle Manny.

Tok! Tok! Tok!

"Mommy!"napangiti ako ng marinig ko ang boses ng anak ko. Sobrang lapit na pala ng kaarawan nito.

"Carla told me. Hindi ka pa nagla-lunch."ang babaeng yun. Nasa Riz Sky Tower na nga, pero pati ang ginagawa ko alam parin nya.

"I'm about to."tumayo ako sa swivel chair at sinalubong sila ng yakap at halik. Ang mais ko na. Hindi naman ako ganito noon. Sadyang mahal ko lang talaga siguro sila.

"Dad told me. Punta ka namin dito to take you for lunch."

"Really?!"

"Hmm....actually nagpumilit lang si Xav. Kinulit nya ako na pumunta dito in the middle of the meeting."

"Napilitan kalang pala."medyo tampo kong wika dito. While Xav? Ayun at kinalikot na naman ang computer ko. Gawain nya yan pag' busita ito ng opisina ko.

"Tampo ka naman? Halika nga dito."he said. Hinila naman nito ako at niyakap. Ano pa nga ba? Bumigay din ako at yumakap pabalik dito. Mahal ko, eh.

"Hindi ko ipagpapalit ang taong pinakamamahal ko dahil lang sa trabaho. Tandaan mo yan. Kahit na uugod-ugod at may mga apo na tayo. First priority ko parin kayong mahal ko. Lalong-lalo kana."wika nito at hinalikan ako sa noo. Kinikilig naman ako sa sinabi nito.

"Eh!? Ilan ba kami ng mahal mo?"

"Syempre kayong dalawa ng mag-ina ko."ngiting sabi nito. Ngunit alam ko sa kabila ng mga ngiting iyon ay ang lungkot at pangungulila ng isang pamilya. Isang ina at ng isang ama. Gusto kong punan ton. Namin ni Xav. Gagawin ko rin ang lahat na maging masaya sya at kompleto.

"Hmm....let's eat?"tumango naman ito. Tinawag narin namin si Xav at lumabas na ng opisina. Alam na naman ng lahat na empleyado kung ano ang relasyon namin. Kaya hindi na dapat itago. At wala naman dapat itago.









●●●

-Someone's POV-

Hindi maaari. Hindi sila dapat maging masaya. Ako lang dapat. Ang lalakeng yun. Kinuha na nya sakin lahat. Pati ba naman ang isang bagay na para sa akin lang dapat. Sya pa ang napagbigyan? Pero sisiguruhin ko ngayon na ako na naman ang mananalo sa larong ito. May alas pa akong pwedeng gamitin para masira sila. Lalong-lalo na sya.

"Boss?"

"Hanapin mo ang taong ito at dalhin nyo sakin. Kayo ng bahala kung paano. Basta dalhin nyo sakin ng buhay. Maliwanag?"

"Areglado boss."wika ng aking tauhan at umalis. Ngayon sisiguraduhin ko na sakin mapupunta ang dapat para sakin.






















Game of Love
The Runaway Heiress

Game Of Love: the runaway heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon