-Asper-
Oh shit! Ilang beses na ba ako natapilok ngayong araw na'to? Hindi naman siguro ako ganun ka'clumsy na parang any minute. Masubsob na talaga ang mukha ko sa sahig ng bawat sulok ng opisina ko.
"Anyare sayo, te?"sino pa nga ba ang ganyan ang tono ng pananalita sakin. Kundi si Carla lang. Akala mo kung makaasta parang hindi ko empleyado. Pasalamat sya at kaibigan ko ang gaga.
"I think it's just the side effect of being too work up and stress. Ang dami ko din kasing inaalala."isa na doon ang kung, paano ko sasabihin kay Aiden ang totoo. Mahirap sabihin dito dahil hindi naman kami couple na konteng usap at lambing ayos na. Masakit mang isipin at tanggapin. My son is the product of our one night stand. Iyon ang hindi ko papayagang malaman ng anak ko. Alam kong nasaktan na sya ng hindi pagpapakita ng ama nya. Na kagagawan ko naman. Ayoko ng masaktan pa ang anak ko. Pero kasi ang hirap.
"Kagaya ng?"
"Work! Ano pa nga ba? Ah...basta! Wag na ngang maraming tanong?"ayokong malaman ng kaibigan kong 'tong luka-luka na si Aiden lang ang iniisip ko. Alam kong hindi ako titigilan nito ng kakatukso. And I don't like it. Naiirita lang ako.
"Agad? Isa pa nga yung tanong ko ahh...."
"Yun na nga. Isa pa. PA....ibig sabihin marami PA."wika ko na inirapan lang nya. Wala talagang respeto ang bruha. Hindi naman ito ganito nong sa café Isabella pa kami, ah.
"Well anyway, tapos ko na ang pinaPAgawa mo. And about hiring a new secretary. Wala PA. Wala PAng matinong applicant. So....that means I'm still your loyal secretary. And I'm confident na hindi mo PA ako maPAPAtalsik."ipagdiinan talaga ang salitang PA. Sama talaga ng babaeng 'to.
"You! You sabotage the applicants, no?"
"Whaaat? No way! I play fair Ms. Ledesma."
"Aah...you pay them para hindi galingan ang interview. So in the end. Walang makuha."inis naman ito akong tiningnan. Ang sarap talaga nitong biruin. Madali kasing mainis. Tapos kung makapagbiro, ang sama.
"No?"
*blag*
Malakas na bumukas ang double door ng opisina ko. Bumungad samin ang hindi ko inaasahang makita. Iniisip ko pa nga lang sya ngayon-ngayon lang. Andito na sya at mukhang galit. Galit? What the?
"What are you doing here, Mr. Olivarez?"
"Totoo ba?"kumunot naman ang noo ko at napaisip. Ano namang trip ng lalakeng 'to. Pabagsak nitong binuksan ang pinto ng opisina ko. Tapos ito't magtatanong ng kung anu-ano. Naka'shabu ata ang lalakeng 'to. Isuplong ko na kaya 'to kay General Bato.
Nabaling ang atensyon ko sa dalawang tao na pumasok. Parang natakasan ako ng ulirat sa nakita. Pabaling-baling ang mata ko sa dalawa. Narinig ko nalang ang pagsinghap ni Carla sa tabi ko at pabulong na tinawag ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Game Of Love: the runaway heiress
RomanceAng gumawa ng katuwaang bagay ay hindi na bago kay Asper. Kaya ng matalo ito sa pustahan ng kaibigan nitong si Chloe. It ends up into a reckless dare na nagpabago sa buhay nito. Tunghayan natin ang buhay ni Asper. Between friends, family, love and...