game 20✅

1.5K 35 1
                                    






-Someone's POV-

"How is she?"

"She's doing great Mariana."dapat lang. Dahil ayokong may mangyaring masama sa kaisa-isang anak ko. Totoong anak.

"Salamat Manuel. Hindi ko na alam pag may mangyari sa kanyang masama."hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon. Minsan na akong nagkamali. Ayoko namang maulit iyon. Kahit ngayon lang gagawin ko na yung tama. Tama na matagal na sanang nagkaroon ang totoo kong pamilya na ninakaw sakin.

"Don't worry Ria. She's brave. Minsan na nyang nakaya ang sarili nya, na walang tumutulong dito."

"I know, and I'm proud of her success."totoo yun. Ilang taon ko palang nalaman? Tatlo? Kung hindi pa yun nangyari...hindi ko makikilala ang tunay kong anak. Sana ngayon. Nandoon parin ako sa sementeryo at iniiyakan ang puntod na hindi ko naman pala ka'ano-ano. Sort of...she's my niece. Not my daughter.

"I have to go."

"Okay. Take care of my daughter for me, Manuel. She's all that I have."

"Don't worry. She's like a daughter to me too. Ohh——by the way. Kailan kaba magpapakilala?"

"Soon...soon, Manuel."hindi na ito kumibo at umalis nalang. Sa kanya ko nalaman ang katotohanang matagal ng tinago sakin. Ang katotohanang hindi ko kayang tanggapin na ginawa ng kaisa-isa kong kapatid. Minsan ko na syang pinagbigyan...noon. Hindi ko na mapapatawad ang sarili kapag sinaktan nya ulit ang anak ko. Ngayon pa na kilala ko na ito. Hindi ako makakapayag. Naging mabait at mapagbigay ako noon. Pero hindi ko kayang pati anak ko kukunin nya ulit sakin. Tama ng kinuha nya ang kalahati ng buhay ko.




















∞∞∞


-Asper-

"A...may sulat ka ata. Galing kay ma'am Charo."sabi ni Carla. Langya talagang babaeng 'to. Inabot ko naman ang makapal na brown envelope. Ang tagal kong hinintay na dumating ito. Ngayon na sakin na.

"Baliw. Magtrabaho kana ngalang. Nakakatulong kapa."sabi ko dito. Ito lang yata ang secretary slash personal assistant na ganito ka at home sa office ng boss nya.

"Tss...beh. Pagpahingahin mo rin ako pag may time. Ang dami kaya nong mga papeles na pina'sort mo."sabi nito at nirolyo pa ng pabiro ang mata. Sya na talaga. Kakailanganin ko ang mga papeles na yun kaya ibinilin ko sa kanya. Hindi naman pwedeng pumunta sa isang gyera na wala kang laban, diba?

"Aba'y nagrereklamo ka? Ang laki ng pinapasahod ko sayo teh."sabi ko dito. Ganito talaga kami mag'usap pag kami lang. Para lang kaming nagbabangayan. Mas kaibigan ang turing ko sa kanya kesa sa empleyado. Pero marunong din naman ksming maging professional pagdating sa trabaho.

"Akala mo naman kung sinong magsalita itong taong 'to. Kakarating ko nga lang galing  sa Riz Sky Tower. Eh, ikaw?"nakasimangot nitong sabi. Oo nga pala't pinapunta ko sya doon. Bago ko lang kasi yun sinabi kay Carla, kaya medyo nagulat din ito. Sino bang may gusto na magtrabaho pa ulit sa ibang kompanya. Diba? Nagulat nga ito noong una.

Game Of Love: the runaway heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon