Chapter 16

13 1 2
                                    

ALEXA'S POV

...

ANOOOO!!!...Alexa naman eh! Anak, Althea saan mo huli nakita ang Kuya Kambal mo? Halos maiyak na si Ate kakatanong sa amin. Hinanap na namin sya sa kahit saan hanggang sa dumating na si Ate Tam, Hindi parin namin nahanap ang pamangkin ko na si Theo.

Patay na talaga ako nito lalo na pag nakarating 'to kay Kuya Jarred!

Sorry...po...talaga...nalibang lang...po...ako sa niluluto ko. Hindi ko po napansin na nawawala na po pala talaga sya kasi akala ko laro lang nila yun. Naiyak na rin ako.

Why do they need to wait for f****** 24 hours to find my little boy! My God! He can't speak. What if...
Nakakatakot na talaga si Ate pag nagagalit, napapa-english. Kahit sya nagugulat sa sarili nya eh.

Sosyal talaga ang bakla. Nagagalit na nga nag e-english pa. Nagagawa ko pa talaga mag-joke eh 'no!

Hanggang gumabi na ay nasa labas pa rin si Ate at naghahanap. Kami ni Nanay naghihintay ng tawag dito sa bahay mula sa mga pulis kung anong oras nila sisimulan hanapin ang pamangkin ko.

Tita A...torry po...tumain na po taya ti tuya... sabi ni Thea na katabi ko sa higaan. ...bantay ni tuya ato ladi tapot ato hindi to ta bantay. Huhuhuhu....

(Lenggwaheng bata yan. Wag na kontra. - Author)

Wag na iyak...malakas yun si Kuya Kambal mo. Okay lang sya ha...tulog ka na baka nga pag gising mo bukas andito na Kuya mo. Sabi ko at tumahan na sya sa pag-iyak hanggang nakatulog na. Pag labas ko ng kwarto saktong nakita ko si Nanay na parang nagmamadali.

Nay...anong---

Ang Ate Tamara mo nawalan ng malay, tinakbo nila Capt. sa hospital. Dito ka na lang Anak, okay lang ang Ate mo ha...ako na bahala. Andito naman si Pilar at Nestor. Tawagan mo na lang ako pag may balita na kay Theo. Sabi nya at tuluyan ng umalis.

...

May u-umaga na ng tumawag si Nanay para sabihing mag stay ni Ate sa hospital ng 3 days. Maya-Maya pa at may tumawag...

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••♪

Road of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon