II: Chapter 1

11 1 0
                                    

Bakit ikaw lang?
Ikaw pa rin?

Dahil ikaw lang.
Ikaw pa rin.

- MOVIE (My Ex and Why's)

⚫⚫⚫

Month ago...

New start, yan ang nasa isip ni Tamara at ng iba. Masaya, nakaka-sabik, bago at kung anu-ano pa.
Pansin ang pagbabago sa mga samahan, mas naging malapit ang kanilang damdamin.
Ang Kuya ni Tamara ay nasabi na sa kanilang pamilya ang kalagayan ng lupa nila kung saan sila nagbakasyon nitong nakaraang buwan lamang. Si Tamara at ang tatlo nya pang kasama sa banda ay doon pa rin kumakanta sa RestoBar kung saan manager si Allison na matalik na kaibigan ni Celestine at Zxyn. Si Jared na Kuya ni Tamara ay sinimulan na ang trabaho bilang model kasama ang kanyang kaibigan na si Adrian, silang dalawa lang naman ang isa sa mga modelo ng   isang sikat na brand ng damit na pag mamay-ari ni Celestine.
Ang mga kaibigan ni Nathan ay nagtransfer na rin sa University kung saan sya pumapasok bilang 2nd year college. Lahat sila ay nasa magkaparehas na taon maliban kay Elwood, Ezekiel, Third at Steven dahil mas bata sila ng isang taon kumpara sa ibang kaibigan. Koneksyon ang ginamit para maging okay ang lahat sa pagpasok nila sa University, at hindi nila alam na si Alexa at Patricia ay doon din nag-aaral. Si Kazhel, Cael, at si Lavigne ay isa lang pinagkaka-abalahan, ang dahilan ng lahat.
Si Ender ay kailangan bawasan ang projects bilang artista dahil kailangan sya sa Company na pinapatakbo ng Ama nya dahil sa kagustuhan din ni Threa at ng kanyang Tita Chat. Ang pamilya kasi nila ang pangalawa sa may malaking share sa kumpanya kaya naman napag-pasyahan na si Denver na Ama ni Ender ang maging C.E.O. At dahil na rin si Ender ang asawa ni Threa kaya kailangan sya sa kumpanya.
Sabi nga ay back to normal. As in palaging nandoon si Apollo kung saan nagtatrabaho si Tamara at araw-araw sya nitong kinukulit. Ang kambal na sina Thoriel (Jiro) at Thaniel (Jia) ay bumibisita naman kala Tamara kapag walang pasok, ganun din naman ang mga anak na kambal ni Tamara na sina Thea at Theo, kapag pinapayagan ay bumibisita naman sila sa Mansion para makita ang mga Kuya at Ate Jia nila.
Maayos naman ang lahat at masaya naman sila sa kung ano 'man ang meron ang lahat.

Sana...

Tamara's POV

Andito ako sa Bar dahil dito kami nagpe-perform kasi ito ang nasa schedule namin. Monday to Wednesday sa Restau kami kakanta, magka-dugtong lang naman itong Bar dahil pinto lang ang pagitan. Kaya ito at nagpapahinga dahil katatapos lang ng song number namin, si Nathan naman ang kakanta.

My phone rang twice kaya sinagot ko agad.

Si Ate Zxyn?

Hello?...

Hi Tammy girl! Where are you?

Nasa Bar Ate, bakit po?

Ooooow...sige papunta na 'ko dyan within 30 mins dahil malapit lang naman ang pinuntahan ko. Okay lang ba?

Okay lang Ate, break ko naman eh.

Okay sige, message ko na lang si Alli. Bye girl.

Bye. Ingat...

Bakit pati si Manager?

...

Maya-maya nga ay dumating na sila kaya kinawayan ko para dito na umupo sa Bar counter.

"Hi Tammy girl!" Bungad na sigaw ni Ate Zxyn at niyakap ako, I return the hug too. Pag tingin ko kay manager...iba hilantsa ng mukha.

May problema ba?

"So..." Simula ko ng makaupo na kami. Ngumiti lang sa akin si Ate Zxyn. Parang may mali?...

"I badly need your help. Don't worry kasi ayos lang kay Alli dahil pumayag na sya, yung sagot mo na lang." Okaaaay....

...kasi ganito yun. Yung P.A ni Harris ay may emergency kaya sa makalawa sya aalis papunta ng states. 1 month sya doon dahil nga sa emergency."

" And then..." Sabi ko para ituloy nya lang. Parang may hula na ako...

"So ayun nga... Kailangan ko ng papalit sa kanya just for a month. We need it urgent that is WHY... I WANT YOU TO BE HIS P.A."

L
O
A
D
I
N
G
.......
..........
............

"Ako?!" Tumango naman sila pareho.

Anong isa-sagot 'ko?

Road of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon