Chapter 28

16 0 0
                                    

"Itanggi mo 'man sa isip mo at iwasan mo. Hinding-hindi mawawala sa puso at sa buong pagkatao mo...na mahal mo 'sya."

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

🍀 Tamara's POV

Kasalukuyan akong naghahanda ng agahan dito sa kusina at nagpapatugtug ako ng Bruce Springsteen collection doon sa living Area ng malakas, enough para marinig sa buong baba. Feeling bahay... Ang sarap kasi yata ng tulog ko, naabutan ko doon pag labas ko ng bedroom sa mini living room ng kwarto ni Fajardo si Lav, Kuya Adrian at Ate Tin. Mukhang sila ang nagbantay sa akin kagabi kaya ang sarap ng tulog nila, kaya naman gagawan ko sila ng agahan. Hehehe! Pero asan nga kaya yung lalaking yun. Di ko sya hinanap sa kwarto kasi lumabas ako agad pag dilat ng mata ko. Dito na ako naglinis sa CR dito sa guest room sa baba.

Oh yeah... Everybody's got a hungry heart~

Kanta ko ng malakas.
Nagwawala na ako dito tapos may pagiling-giling pa. Muntanga na 'ko!
(Listen it guys- Author- Hungry Heart by Bruce Springsteen

Luto doon, halo dito, hmmmm... Pwede na! Kaina-

" AY BULATENG NILABATIBA!"
Nakakagulat na man kasi sila pag harap ko sa entrance ng kitchen, naka hilira sila doon sa kitchen bar table tapos naka tingin sila sa akin kaya nagulat ako. Nalaglag ko tuloy yung sandok...mainit!

"Aw!" yan na lang nasabi ko. Napatakbo naman yung lalakeng kanina ko pa hinahanap. Ang gwapo ng umagang etey!

"Hey!"

"Ay gwapo!" nakatakbo na pala sya sa harap ko.

"I know...*smirked*

"Hala sya oh! Teka kanina pa ba kayo lahat dyan?"

" I don't know, I saw them giggling into someone while I'm going down that's why I came here too tapos ikaw pala yung pinagtatawanan nila and if you're asking me kung kanina pa ako dito?...yeah I think so...enough to hear the half of your singing." napalo ko sya sa braso nya pagtayo namin. Loko talaga.

"Goodmorning!" bati ko sa kanilang lahat, tapos binati din naman nila ako. Pinuntahan ko naman ang tatlong bata na nakaupo sa high chair at nag kiss sila sa akin.

Ng matapos kaming mag umagahan ay dumiretso na ng alis sila Fajardo kasama si Ate Tin at Lav sa pagsundo sa mga anak ko. Pinagbawalan ako ni Tito Al kahit gusto 'kong sumama.

Nag ayos na lang kami ng mga gamit na kailangan dalhin sa bakasyon. Sa Villa daw ng Garcia...Garcia? ...and sa Fajardo daw. Hindi namin alam kung saan eh, maya-maya pa ay nagsi-datingan na ang mga hinihintay namin.

Thank you Lord dahil mabuti na ang lagay ng mga anak ko. To Our little Guardian Angel, salamat at binantayan mo ang mga kapatid mo habang wala ako sa tabi nila.

Road of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon