"Ang mga babae kapag nag-mahal ng mga lalake, iba't-ibang klaseng pagma-mahal yun. Kaya kahit boyfriend ka na nya, huwag mo syang papipiliin, dahil alam nila ang pagkakaiba ng pagmamahal na binibigay nya sayo at sa kanila. Malalaman lang nilang maka-sarili ka kapag pinapili mo sila. At sa huli ikaw pa ang iiwan nila."
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••♪
----
Tamara's POV
~∞~
Surprise! Inayos ko na yung ibang gamit na naisalba...nagustuhan nyo ba? Masaya kong tanung pag-pasok namin sa bahay.Maganda Anak. Salamat ah.
Maganda po Mommy Nay! Puri sa akin ni Theo at ganun din ang kambal nya.
Atey hindi naman pala tayo uuwi sa lugar natin, bakit di mo pa pinadiretso dito sa bahay yung Van?
A-Ang! Saway ko sa kanya. Tinatawag ko sya sa palayaw nya. Parang yung sa Avatar na cartoons, may 'A' as in (ABaKaDa) nga lang sa unahan.
Sabi ko nga tatahimik na. He-He!
Maya-Maya at nag-ring yung phone ko kaya lumabas muna ako. Unknown Number? Sino kaya 'to?
"Hello, Tamara Azula Yoon!"
Si Kuya Jarred? Patay na!"Hi-Hi Kuya! Napatawag ka? HA-HA-HA!"
"Hindi ko pa malalaman ang nangyari kung hindi ko pa tinawagan si Manang Pilar! Magpaliwanag ka Azula!" Mama Azula naman! Para akong kontrabida nyan eh!
"Eh...sorry na okay. Ayaw ka lang namin magalala dahil sa dami na ng inaasikaso mo atsaka okay lang naman kaming lahat. Nakalipat na rin kami ng bahay. Ayaw ko lang na lalong magalala kayo ni Nanay. Alam mo naman ang sitwasyon ng Resort at Rest House di ba? Alam ko namang busy ka dyan at hindi mo maiiwan ang bahay dyan kaya naman hindi na ako nagabala pa na sabihin sa iyo. Sorry na..."Hindi pa 'man din alam ni Nanay ang tungkol sa notice sa bangko.
"Haaay...may magagawa pa ba ako eh nandyan na kayo. Kumusta naman kayo?"
"Okay kami lahat kaya huwag ka magalala. Fight lang tayo Kuya, makakabayad din tayo sa Bangko para hindi na makuha ang Resort at Rest House. "
"Salamat kapatid. Sige na at aasikasuhin ko pa ang guest dito."
"Bye Kuya Red, ingat!"
"Hmmm...bye! Kayo din dyan!"
Oh Atey sinetch yun at may walk-out effect ka?
Si Kuya Red yun, mamaya kana mag tanung.
...
Hi Ate Tin. Tapos kumaway ako sa screen, Skype naman ang gamit.
Miss na namin kayo. Sigaw nila Tita.
It's been what...almost 2 weeks na. Kami din miss namin kayo. Sabi ko
Sya ba yung nakatayo na yun? KJ, di nakisali.
BINABASA MO ANG
Road of Memories
РазноеThis story will make you realize that happiness is not just YOU being with the people you love, but the feelings of memories with them that YOU WILL KEEP. Memories were just memories if it doesn't have feelings. Sometimes...some memories is bound...