Dash for a Week : Day 5

112 0 5
                                    

DASH's POV

Wala pa akong tulog.

Yung plano sanang tawagan ko sila manong para papuntahin dito hindi ko na nagawa.

Bakit?

Umulan lang naman ng malakas, may bagyo ata at walang signal, kaya wala eto pareho kaming stuck sa lugar na toh.


Medyo okay na sya ngayon kaso maya-maya umiiyak.

"Tama na please..." Gaya nyan, paulit-ulit nyang sinasabi yan, o di kaya sasabihin nyang "Wala naman akong kasalanan sa inyo..." tapos iiyak ng sobra.

Pakigawan nga po ako ng time machine, kahit magkano babayaran ko.
Babatukan ko lang ang sarili ko para naman matauhan at para hindi ako nagkakaganito.
Para mabalikan ko yung nangyari at para sana di natuloy o di kaya dun naman sa unang pagkikita namin dapat hinayaan ko na lang sy---wait nakakakonsensya naman ata yun.

Nagluto na muna ako ng hapunan kasi naman gutom na ako.

"D-dash..." tawag nya sa akin.

Ewan ko ba pag naririnig kong tinatawag nya ang pangalan ko parang ang sarap sa pakiramdam. Kaso yung ganitong malungkot ang tono, parang pati ako nalulungkot.

Dinala ko na lang yung tray sa kwarto.

"Kain na."

"Salamat."

Parang nakakapanibago, hindi sya makulit ngayon, walang ingay at hindi magulo.

*Labing limang minutong katahimikan*

'Aaaaahhh hindi ko kaya ang ganitong katahimikan!!!' Sigaw ko sa sarili ko.

"Tulog ka na ulit." sabi ko sa kanya.

"Salamat Dash, pasensya ka na. Hayaan mo bukas okay na ako, hindi na ako pabigat. Promise." Nginitian na akong ng pilit pero totoo. Pilit kasi masama ang pakiramdam, totoo kasi alam mong gusto nyang ngumiti nahihirapan lang.

At yung nangyari nung isang gabi, parang madali lang na nakalimutan.

Eto nanaman, matutulog nanaman kaming magkatabi. At ang unan? Andun sa paanan, walang kwenta kasi kung nasa gitna, ngayon may pakinabang na sya, doon sa paa ni Bea---- niya.

Kapipikit ko lang ng mata ko ng marinig ko ang tawag nya.

"Uhm...D-dash...tulog ka na?"

Ewan ko ba pero nagtulug-tulugan lang ako.

"S-salamat talaga at pasensya ka na, wag kang mag-alala bukas na bukas din uuwi na tayo, bahala na lang kila nanay at tatay, ako na lang ang bahala, kesa naman kasi pati ikaw nadadamay."

Maya-maya pa naramdaman kong hinalikan nya ako sa pisngi tapos hinigit nya ang braso ko at niyakap nya ng mahigpit.

'Ano ba wag ka kasing masyadong mabait.' bulong ko sa sarili ko habang nararamdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

ANO BA ANG NANGYAYARI?????!!!!

PAKI-EXPLAIN PO!!!

At buong gabi lang naman po akong walang tulog.

Ewan parang natatakot akong matulog kasi baka pag-gising ko nakaalis na siya, kahit parang imposibleng mangyari.

NATATAKOT AKO?!


*sorry short UD, nabawi naman na din po yung sa Chapter 4 eh, (・ω・)V    ~   P E A C E   ~

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon