Kidnap for Favor

96 0 0
                                    

DASH's POV

Ano ba yung nakita ko kagabi?

Bakit?

Hay!

Hindi ako makafocus ngayon.
Bakit pa kasi ako pumunta doon, yan tuloy ang gulo na ng utak ko.

Nasa opisina ako ngayon, nakatunganga. Nakaharap ako sa likod ko kung asan ang bintana.

Nakatanggap ako ng text message galing kay ate, family emergency daw.

Mabuti n siguro na aalis muna akong opisina, kasi wala din naman akong magawa.

Ako na nagmaneho, pina-uwi ko muna ang driver ko.

Pag-dating ko sa mansion ni lolo tinanong nya agad sa akin kung kasama ko daw ba ang babaeng sinasabi ko.

Bigla namang sumabat si ate, "Naku grandda matagal-tagal mo pa makikilala ang babaeng sinasabi ni bunso. May LQ kasi sila, lam mo na...dahil dun sa ex ni Dash."

Bago pa man ako makapag-salita biglang sumingit si Kuya, "Okay lang yan grandda ayan oh magkaka-apo ka naman na kay Cash, kaya wag mo munang madaliin si bunso."

Ano daw?! Si ate?!

Alam ko namilog ang mata ko.

"Wag ka ngang magulat dyan Dash, matagal na namin tong hinihintay ng asawa ko."

"C-congratz ate!"

"Bakit parang hindi ka masaya para sa akin?"

"Kasi yung ice cream sa bahay ko inubos mo, hindi yun para sayo!" Ang totoo nagulat ako. Yung ice cream para sana yun sa kanya, just in case bumisita sya. Kung sakali lang naman ibalik nya yung gamit ko.

"Sus yun lang ba o may iba ka pang iniisip?" Singit naman ni kuya.

Mukhang magpag-kakaisahan ata ako ngayon.

Pumunta muna ako sa veranda, magpapahangin at nagbabakasakaling maiba ang ihip ng isip ko.

Nakatingin ako sa may pool kung saan andon sila ate, granda at kuya, kasama ang sampu sa mga bisita ngayong araw.

Kinukulit nananaman ni kuya yung crush nya dati na classmate ni ate.

"Aminin mo na kasi nagkagusto ka din sa akin dati!" Pagpipilit ni kuya.

"T-tumigil ka nga!!!" Nauutal pang sagot ni ate Suzette.

Sabi ni ate sa akin patay na patay si ate Suzette kay kuya kaso si kuya kasi babaero, ayaw pumirmi sa isa, kaya prinotektahan ni ate si ate Suzette at yan para silang aso't pusa kung magbangayan.

Naalala ko tuloy nung kinukulit ko si Be-- hay wala wala kalimutan mo na yan utak ko!!! Walang mabuting maidudulot yan, maghanap ka na lang ng ibang pwedeng mag-panggap.

Habang nakadungaw pa din ako at tumatawa mag-isa.

"Where's that girl your ate has been talking about? She seems adorable and charming. I would like to meet her, soon."

"I don't know grandda, I don't know anymore."

"Son, if you like her that much just go and ask for her forgiveness, be sincere and don't think much. Let your heart pour all its emotions."

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon