Plan A LANG, Walang Plang B-Z

87 1 0
                                    

DASH's POV

Tatlong araw na lang bago mag-eexpire ang tourist visa ni Bea.

"Mag-impake ka na Bea at aalis na tayo."

"Uuwi na tayo ng Pinas?" Nakita kong kuminang ang kanyang mga mata.
Pasensya na Bea pero hindi pa.

"Hindi, lalabas lang muna tayo ng bansa, babalik din tayo pagkatapos, malapit na kasing mag-expire visa mo."

"Wag na gastos lang yan, uwi na lang tayo sa Pinas, dadagdag nanaman yan sa mga utang ko, baka hindi ko na mabayaran."

"Hindi pa nga tayo pwedeng umuwi ng Pilipinas."

"Ah basta! Di ako na lang mag-isa ang aalis. Dito ka na lang para hindi doble ang gastos."

"Hindi pwede. Anong alam mo sa ibang bansa? Saka baka bigla ka lang umalis."

Ano ba pano mo ma-isisingit ang plano mo Dash? Batok ko sa sarili ko.

"Ah basta sabi!!!"

"Pssh ang dami mong alam!"

"Eh kasi naman!!"

"Walang kasi kasi, ganto na lang...a-alam mo ba ang green c-card?" Ehem! Bakit ako nauutal.

Nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat.

Malamang may alam talaga sya sa greencard.

"B-bakit? Pakakasal mo ako sa kano?! Ayoko!!!! Baka kung ano lang gawin nila eh!!! Tapos perahan pa tayo!!! Tapos bugbugin nya pa ako kasi malalaman nyang wala talaga akong pera. Oh di kaya hindi sya pumayag sa divorce at gagawin akong katulong nya...tapos----"

Grabe naman kung mag-imagine ang babaeng ito.
Pinutol ko ang sasabihin nya pa sana kasi baka kung saan na mapunta.

"Ano ba nababaliw ka na ba?"

"Ah-eh kasi naman wag mo akong ipakasal sa kano, baka talaga ako----"

"Sa akin ka pakakasal." Sabi ko sa kanya na agad namang ikinatigil ng malikot nyang imahinasyon at matagal na nakatitig sa akin. "Meron kang isang araw para makapag-disesyon. Since ayaw mong gumasto, hanggang plan A lang tayo, walang plan B hanggang Z."



BEA's POV

"Ah-eh kasi naman wag mo akong ipakasal sa kano, baka talaga ako----" grabeh natatakot ako!!! Bakit kasi hindi pwedeng umuwi na lang.

"Sa akin ka pakakasal." Sandali syang natahimik, tapos nagpatuloy..."Meron kang isang araw para makapag-disesyon. Since ayaw mong gumasto, hanggang plan A lang tayo, walang plan B hanggang Z." Ano daw?!

Pero naisip ko bigla, baka plinano nya tong lahat para lang matuloy pa din yung plano nyang pag-takas sa lolo nya na ipakasal sa anak ng kaibigan nya.

"HOY DASH!!! Plinano mo bang lahat ng ito para lang hindi ka maikasal dun sa nirereto ng lolo mo????"

Mukha sya nabilga sa sinabi ko, kaya pinagpatuloy ko pa, "Baka ikaw din may pakana sa pagsabog sa café ko Dash!!!! Naku sinasabi ko sayo!!! Walang hiya ka talaga!!!! Malapit pa akong mamatay sa kalokohan mo!!! Sinabi ko na sayo diba na ayokong pakasal sayo!!! Tapos ngayon hiwalay na kami ni Anthony tapos eto agad agad!!!????"

Mukha naman syang nalungkot pero agad namang nakabawi ang mukha sabay sagot sa akin, "Wala akong kinalaman sa café mo, andon ako diba? Eh di sana kung may plinano ako eh di hindi na lang ako nagpakalasing o di kaya pumunta doon sa café mo!"

Aba aba sumasagot pa talaga!

"Malay ko ba baka palusot mo lang yan para may alibi ka!"

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon