First Good Bye (?!)

116 0 8
                                    

BEAST's POV

Wow naman, pagkalabas ni Dash galing sa kwarto nya ang gwapo!!!!

Hahaha

Useless naman kasi kung ikakaila kong gwapo sya.

Naka-suot sya ng business suit na gray tapos naka red tie, pink inner shirt at black na watch and shoes.

Wala na napa-wow na lang talaga ako!

"Are you done checking me out my dear fiancé?"

'Tch~ kung di ka lang mukhang tao ngayon eh...gwapo mo hahaha'

"Salamat." Tapos ngumiti sya ng malapad.

'Wait!!!What? Para saan sya nagpapasalamat?'

"Kasi sabi mo gwapo ako."

'Mind reader talaga toh!!'

"Hindi ang lakas kasi ng pagkakasabi mo."

Waaaaaaaaaaaaaaaaah!!!! Wala na!!! Nakakahiya!!!!!

"Asus! Nahiya ka pa! Hahaha!"

"Ewan ko sayo!!!" Binato ko sya ng unan.

"Oi! Oi! Magugusot damit ko!"

"Heh!!!"

DASH's POV

Malapit na ako sa pintuan ng binato nya ako ng unan.

Pinulot ko yun at ibinalik kung saan sya naka-upo.

Nagulat na lang ako ng bigla syang tumayo at hinablot ang necktie ko.

"Nag-nenecktie eh tabingi naman ang pagkakasuot."

Habang inaayos nya ang necktie ko, nagkaroon naman ako ng tsansa na pagmasdan ang kanyang mukha.

Ang ganda ng pilik mata nya, ang di katangusang ilong sakto lang sa hugis ng mukha, ewan pero di mo mapapansin ang kanyang tigyawat sa mukha pag nakatutok ka sa itim nyang mata. Para kang nilulunod sa mga ito, alam mong nangungusap pero alam mo ring ayaw ipa-alam ang kung anong sekreto meron sya.

Ano bang meron ka?

"Oi DASH!!! Yooohooo!!!"

"Ha?"

"Sabi ko ayos na."

"O sige, salamat. Bye." Tapos hinalikan ko sya sa pisngi.

Hindi ko alam basta ganon na lang.

Ayaw ko syang lingonin kasi baka di ako makaalis at ayaw kong malaman kung ano sasabihin nya.

--------
sa opisina ko
--------

"Sir may meeting ka po ngayon with VP, pinapasabi nya po..."

"Ano?"

"Kasi..."

"Sabihin mo na, di naman ako magagalit..."

"Sabi nya po 'tangina ka Dash, ako ginisa ng mga Ayala...' yun po pinapasabi nya...sorry po."

"Sige sige mag-aantay na lang ako dito. Papuntahin mo na lang si VP dito."

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon