Trespassing eh iisa lang ako, asan ang dalawa?!

620 4 2
                                    

"Boss pasensya na po hindi ko napa-check yung kotse bago tayo umalis, ang dami po kasi nating pinuntahan nawala sa isip ko. Pasensya na po talaga." Paumanhin ni Mang Julio.

"Ano pa nga bang magagawa natin eh nasiraan na tayo." Inis na sabi naman ni Dash.

Dash rhymes with cash.
Billionaire and a dashing debonaire.
Kaso yun lang masungit at kilala sa pagiging babaero.
Lahat na ata ng bida sa wattpad kapag mayaman snob, pilyo at babaero.
Isa na si Dash doon.
Ilang taon na na si boss? 30 pa lang naman.

"Boss may malapit pong vulcanizing shop dito."

"Sya sige sige puntahan mo na, I'll stay here. Bilisan mo at may date pa ako mamaya with Vivien."

Tinawagan nya muna si Monique, isa sa mga chikabebeh nya.

Ang totoo pwede naman syang magpatawag ng isa pang driver kaso ayaw nyang makita si Monique ngayon, tinatamad sya at ayaw nya ng mga babaeng mahilig pumulupot. Pumayag lang naman syang makipag-date sa dalaga kasi pinilit sya ng tito nya, dahil sa business.

"Hello Monique sweetie sorry I can't be there, my car broke down."

"I can fetch you if you want. Where are you?"

"No, no need. Let's have dinner some other time." Talagang nagpumilit pa si Monique, buti na lang medyo madaling mauto.

Pinikit nya muna ang mga mata nya habang nilalasap ang aircon. Summer kasi kaya mainit.
Nasa kalagitnaan sya sa pagpapantasya (ibig sabihin hanggang halik lang ha? Wag sobra...hindi po ito R-rated, pero kung gusto nyo kayo bahala hahahahaha) kay Vivien ng biglang bumukas ang pinto tapos may pumasok na isang malaking itim na kumpol.

Nanlaki mga mata ni Dash.

DASH's POV

What the fruit?!?
Ano ba toh?!?
Tao ba toh?!?

"huuuuuuuuuuuuuu~"
Kakatakot naman ang tunog.
Halimaw ata toh.

"U-uhm kung manghoholdap ka oh eto pera ko, lahat-lahat n-na. Kung gusto mo pati tong p-phone ko kunin mo na, wag lang ang sim. Saka wag mo akong papatayin maraming iiyak."

"huuuuuuuuuuuuuuuu~ huuuuuuuuuuuuuu~ huuuuuuuuu~"

(O_O) -> Dash

"A-ano?...."

"Patago na muna dito!!!!"
Biglang nagsalita anv maitim na kumpol.

!(◎_◎;) -> Dash

"T-tressp-passing ka!!!" Pero ang totoo takot na sya. Kahit sino naman kasing tao matatakot sa kanya.

Ang itim ng ilalim ng mga mata nya.
Mata nya mismo pulang-pula.
Magulo ang mahabang buhok.
Nakaitim.
At higit sa lahat umiiyak.....????????

"Anong trespassing? Asan yung dalawa?"

"Anong asan yung dalawa?!?" Naguguluhang tanong ko. Pinagsasabi nitong babaeng ito.

"Kasi sabi mo TRESpassing eh iisa lang ako."

Di ko na napigilang humagalpak sa tawa. Sira ulo na tong babaeng toh. Nakakatakot na nga ang itsura mukhang ewan pa mag-isip.

Pero ano ba toh nawawala ang pagka-cool ko.

"Labas." Malamig kong sabi, gamit ang boses boss ko.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon