Dash for a Week : Day 6

101 0 1
                                    

Alas kwatro na ng umaga gising pa din ako.

Tumila na din ang ulan.

Napangiti ako kasi nasa tabi ko pa din sya.

Wala ng lagnat.

At nakangiti.

Better...

"Hello manong dalhin nyo po ang sasakyan dito, sama nyo po si Lenard at Leo para magdala ng mga kabayo pabalik. Antayin na lang po namin kayo dito, patawag na din po ng doctor, paki handa na din ulit ang isang guest room."

"Sige po sir."

Pagkatapos eh nagluto na lang ako ng agahan.

"Gising kana pala, mag-ayos ka at uuwi na tayo sa bahay."

Inakay ko sya papuntang banyo upang makapaghanda na din sya.

Andun na din lahat ng dapat gagamitin nya.

Mahirap na, baka kung anu-ano nanaman...

"Tawagin mo ako pag-tapos ka na."

"S-sige..."

Ano ginagawa ko ngayon? Eto inihahanda ang mesa para kumain.

Ang isang dakila at gwapong bachelor at multi-millionaire na si Damien Sean Hemingway ay taga-luto at taga silbi kay Beast.

Aba dapat maging honored sya, never ko pa to ginawa kahit na kaninong babae. Swerte mo Beast buwahahahahahaha!!!

Maya-maya pa di ko pa din narinig na tinawag ako ni Beast o di kaya na-sobrahan sa pagmomonologue ang utak ko hindi ko narinig.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto habang nagsasalita---
"Oi ano na ginagawa mo dyan sa banyo, iniisip mo ba kung pano nagawa ang mundo? o di ka-ya..." natigil ako sa pagsasalita kasi pag-bukas ko ng pinto nakita ko syang naka-upo na sa dresser at kasalukuyang nagsusuklay ng buhok.

Lumingon sya sa akin at binigyan ng napakaganda nyang ngiti.

"Bakit di mo ako tinawag?"

"Kasi sabi ko sayo kaya ko na, saka ayaw kong maging pabigat sayo." Tapos ngumiti sya ulit.

Hay, yung puso ko nagririgudon ata.

Bago mananghalian, dumating na sila manong.

"Uhm Dash nahihilo ako."

"Tsk! Yan kasi sabi ko sayo kanina wag masyadong maglilikot, kagagaling mo lang sa sakit."

Pero maya-maya lang naramdaman ko ang pag-bagsak nak ulo nya sa balikat ko.

Ayan tulog nanaman.

Pag-dating namin sa bahay, di ko na sya ginising, binuhat ko na lang sya papuntang guest room para derecho na ang tulog nya.

Andon na din si Dr. Cathy sa loob.

---

"Uhm Dash, you did a pretty good job stitching her wound."

"Thanks!"

"I still think you'd make a better surgeon than a businessman."

"Nah, I like my job now, I've got free time and I control my schedule."

"Kung sabagay, you have a point there. Being a doctor requires a lot of time, takes you away from your family."

"Precisely."

"Well your girlfriend will be fine, she's just tired and stressed out. Make here drink these vitamins and she'll be fine."

Girlfriend daw oh, diba fiancé ko na sy--- wait wait wait!!!! Ano ba iniisip mo Dash?!?

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon