Good Bye Dash

132 0 0
                                    

'Kailangan ko munang mapag-isa. Kailangan ko munang mag isip.'

Yun lang ang nilalaman ng sulat ni Bea.

This time hahanapin nya na si Bea at hinding-hindi nya na ito pakakawalan pa.

Kahit anong mangyari.


Ipapakita nya kay Bea na wala na dapat itong alalahanin pa.






Sa kabilang banda.


Kaya umalis si Bea dahil kinakain sya ng kanyang konsensya.

Alam nyang nasa tabi na ni Dash ang babaeng pinakamamahal niya, pero napipilitan itong siya ang bantayan, dahil sa magkakaroon sila ng anak.

At ayaw nya nun.

Si Dash pa din naman ang ama ng bata at walang magbabago doon.

Pero ayaw nyang ikulong si Dash sa bagay na ayaw nya.

Kinuha ni Bea an kanyang wasak na cellphone at sinubukang i-charge ito. Hiningi nya ito mula kay Mash, hindi nila ito pinakialaman o kahit ano pa man. Alam kasi ni Mash na mahalaga kay Bea ang cellphone nya.

Wasak na ang screen pero gumagana pa ito kahit papaano. Nagpapasalamat sya kasi sayang yung mga litratong kinuha nya sa mansyon at hacienda kasama si Kuro. Ang mga litrato ding kasama niya ang kuya nya. Wala pa naman itong memory card kaya lahat ng naka-save dun ay sa phone lang nakalagay. Ewan nya ba sa produktong ito kung bakit hindi nilagyan ng memory card slot.

Tinitigan nya kang ang kalangitan mula sa balkonahe nya.

"Mukhang magiging maulan ang mga susunod na araw anak."

Sumipa-sipa ito gaya ng laging ginagawa ng anak pag wala si Dash at mahinahon naman ang sanggol pag katabi nya ito at hinahaplos ang kanyang tiyan. Kahit ilang beses na pakiusapan ni Dash ang kanyang anak ay hindi ito sumisipa.

'Son give me a good kick please.' Yun ang sabi ni Dash ng minsang napansin nya si Bea na sapo ang tiyan at nakangiwi ang mukha. Naka angat ang pang-itaas ni Bea noon at kita mo ang kabuoan ng kanyang tiyan, at kita mo din ang pag-galaw ng anak sa loob.

Natawa si Bea ng maalala nya ito.

'Come on son, hindi mo ba mahal ang daddy mo?' At naka pout pa ito.

'Naman eh! Humingi na ako ng tawad sayo diba? Pati sa mommy mo. At hindi ako titigil sa pag hingi ng tawad sa inyong dalawa. Kaya sige na anak, one kick pleeeeease.' Nagising si Bea ng marinig nya ito.

Kahit pala tulog sya ay kinukulit ni Dash ang anak para lang sa isang sipa.

Dalawang linggo syang nananatili sa loob ng bahay nya. Nakapamili na din sya ng mga pag-kain nya, at kung minsan nagpapadeliver sya ng pag-kain mula sa isang branch ng KKKitchen.

Masaya sya na binibigyan sya ni Dash ng time. Minsan naman ay tinitext sya nito at kinukulit kung pwede daw ba syang mabisita kasi namimiss na nya silang dalawa ng anak nya. Pero hindi nya iyon sinasagot.

Isang gabing na wala syang magawa ay tinignan nya ang mga pictures sa phone nya. Yung magkasama sila ni Cash, tapos yung ang palagi nyang kasama si Mash.

Yung pamamasyal niya sa hacienda.

Natigil ang pagkalkal nya sa mga photos ng makarecieve sya ng message mula kay Dash.

"I didn't know you have a house."

Hindi nya ito pinansin at nawala na lang ang banner sa taas ng phone.

"I am out side your house."

Napasinghap sya sa nabasa kaya pumunta sya sa bintana mula sa kwarto na at nakita nyang nakatayo si Dash sa may gate na ngayon ay kinakahol ni Pluto mula sa sala.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon