Hello Grandda!

94 0 0
                                    

DASH's POV

Biglang lumabas ang imahe ng mukha ni Beast sa utak ko.

"Yes, I do." I do have someone whom I can marry...

"Sino?"

Isang taong dati ng nagpanggap na fiance ko.
Sya lang ang mapagkakatiwalaan ko.

"You'll meet her soon grandda."

Napangiti ako at ngumiti naman si grandda.

"I better meet her, she seems like a very nice young lady."

"Yes she is."

Umalis ang lolo kasama ang kanyang mga body guards, marami pa daw syang pupuntahan.

Ngayon ang mission ko ay mahanap si Beast.
Kahit alam ko na kung nasaan sya.

Pano ko kaya sya i-approach?

'Hey! How are you? By the way I have a favor to ask?'

Hindi pwede masyadong straight forward.

'Oi Beast, dinner naman muna tayo!'

Hay, masyadong presko!

'Beast, kukunin ko sana singsing ni lola.'

Parang ang g*go ko naman nun.

Diniinan ko ang aking sintido.
Pano ko ba kasi sya lalapitan?

"Mukha kang g*go dyan. Winawagayway mo pa  ang kamay mo. May kausap ka bang hindi ko nakikita? Pre wag kang ganyan takot ako sa multo~ARAY! Kung mangbabato ka sana cash hindi yung second hand na libro, saka hindi ako nagbabasa ng Philippine Constitution."

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Tinitingnan ko lang kung buhay ka pa."

"Oh eto buhay pa ako pwede ka ng lumabas."

"Sige sige, pero alam mo pre, simpleng paglapit lang sa kanya at pangungumusta ayos na. Wag kang masyadong mag-isip."

Tapos isinara nya ang pinto.
At nagpabebewave pa ang engot.

G*go talaga.


BEAST's POV

Maaga ko sanang i-sasara ang café ko kasi may pupuntahan ako, kaso saka naman nagsisulputan ang bulto-bultong customer.

Bukas na lang siguro ako aalis. Pinauwi ko na yung mga empleyado ko, kaya ko naman siguro toh mag-isa.

"Hija, apat na espresso, medium at isang macha large."

"Sir yung macha po ba cold or hot?"

"Hot hija."

"Sige po, i-serve ko na lang po. Baka gusto nyo din po ng cakes sir, masarap po ang pastries namin dito." Sabay smile at ngumiti din yung matanda.

"No thanks. Just here for the coffee and tea."

Tumango na lang ako at nag-smile ulit.
Mukhang may bago akong customer.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon