After Many Moons

101 1 2
                                    

A/N's POV

Matapos nun hindi na muling nakita ni Bea si Dash.

Ilang buwan na din silang magkasintahan ni Anthony.

"Surprise hon! Happy monthsary!" Sabay abot kay Bea ng necklace na ang nakasulat BeAn na ang shape ay bean.

Minsan lang sa isang lalake ang nakaka-alala ng monthsary at nag-eefort.

Napuno ng balloons ang kanyang café. May mga fairy lights din na nakapalibot sa upuan na nasa gitna ng café at tumutugtug sa likod ang classical version ng 'Be Our Guest' galing sa Beauty and the Beast.

Nagulat si Bea sa ginawa ni Anthony para sa kanya at halatang mahal na mahal nga sya nito.

Ngunit dahil din sa kantang narinig nya ay bigla nya namang naalala si Dash.

Doon din sya nagsimulang matakot.

Dahil buhat ng ginawa ni Dash sa kanya sa kotse, ang halik pati na ang halik sa hospital, hindi nya na alam kung ano ba talaga ang kanyang nararamdaman.

Ang singsing ng lola ni Dash nakasabit pa sa leeg nya.

Naalala nya ng hinalikan sya ni Dash sa ospital may ibinulong ito sa kanya.

"Wag mo ng ibalik ang singsing ni lola, para lang sa iyo yan. Kasama na nyan ang nandito ko." Sabay turo ni Dash sa puso nya. "Sana di mo ako kalimutan. Can you wait for me...?" Pagpapatuloy niya. Ni hindi man lang inantay ni Dash ang kanyang sagot at iniwan syang nakatulala.

Diba dapat si Anthony lang ang focus nya?

Hindi deserve ni Anthony ang isang pagmamahal na walang kasiguraduhan.

"Hon, oi hon! Ayos ka lang?"

"Uh! Oo okay lang! Kaw kasi lagi mo akong sinosorpresa."

"Syempre at dapat lang hon!"

Palihim namang nakokonsenya si Bea, she didn't want to recognize the reason why but she knows what it is.

Yung buong gabing napapansin ni Anthony na kahit  na magkasama silang kumakain at nagmovie marathon ay nasa malayo ang pag-iisip ni Bea, hindi nya lang ito binibigyang pansin.

"Hon uwi na ako, see you tomorrow." Sabay halik sa pisngi ni Bea.

"Bye hon."

Nasa labas na sila ng café.

"Love you!"

"L-lo----"

"Wag mong pilitin ang sarili mo hon."

Nahiya si Bea sa sinabi ni Anthony kaya pasigaw nyang nasambit ang "I LOVE YOU TOO!"

Tumawa naman ng malakas si Anthony.

Hahalikan sana ni Bea sa pisngi si Anthony ngunit lumingon bigla si Anthony ng hindi sinasadya kaya sa halip na sa pisngi ay sa labi mismo dumampi ang halik ni Bea.

Eto ang unang beses na naghalikan sila bilang mag nobyo at nobya.

Sa gulat ng dalawa ay pareho silang natigilan.

Naupo muna sila sa labas habang iniisip nila ang nagyari.

Ang hindi nila alam sa di kalayuan ay may isang tao ng nasasaktan ng sobra.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon