Firestorm

101 0 0
                                    

Bea's POV

Kanina ko pa tinatawagan si Anthony.
Tinitext ko din sya pero kahit isang reply lang wala.

Nagsisimulang manginig ang buo kung katawan. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Kung bakit naman kasi nanggulo pa si Dash? Okay naman na ang lahat diba?

Tinanong ko ang mga kapatid ni Anthony kung naka-uwi na ba sya, pero ang sabi nila hindi pa. Mas lalo akong nag-alala sa kanya.

Tinatawagan ko rin ang driver ni Dash pero hindi sya sumasagot. Pati si Ned out of coverage din sya.

Kailangan ko pang lumabas para hanapin si Anthony.

"B-bea..." narinig kong tawag ni Dash mula sa kabilang kwarto.

"Gusto mo ng tubig?" Tanong ko pero hindi sya sumagot.

Bago ako umakyat sa kwarto kumuha muna ako ng maligamgam na tubig, nilagay ko sa baso at naglagay na din sa plangana. Kumuha na rin ako ng bimpo at extra t-shirt na pang café.

'Ano bang problema mo Dash ha?' Tanong ko sa kanya ng pabulong habang pinupunasan ko ang noo nya.

Umayos lang sya ng pagkakahiga habang nakapikit pa ang mga mata.

'Diba dapat kasama mo ngayon ang asawa mo?'

Naalala ko bigla si ate Cash.

Matagal bago nasagot ni ate Cash ang tawag ko.

"Hello Bea dear napatawag ka."

"Ate pasensya na po, alam kong disoras na ng gabi pero kasi nandito kasi si Dash, lasing."

"HA?! Bakit?!"

"Hindi ko po alam."

"Sinong kasama nya."

"Ako lang po. Pwede po bang papuntahin nyo dito si manong para ihatid dyan? Hahanapin ko pa kasi si Anthony."

"Naku Bea dear hindi pwedeng makita ng lolo namin na lasing si Dash, malalgot kaming lahat dito, lalo na sya. Bakit mo pala kailangang hanapin si Anthony?"

"Kasi...ate...nag-away sila ni Anthony, nagalit sya sa akin at ngayon di ko na matawagan. Hindi pa daw sya umuuwi sa bahay nila."

"Sorry Bea pero hindi talaga pwedeng makita sa bahay na ganyan si Dash.

Mayamaya lang nakarinig ako ng parang nabasag.

"Ano yun Bea?"

"Hindi ko po alam."

Sumilip ako sa may parte ng café at nakita kong basag yun isa sa mga bintana at parang may kung anong anino na gumagalaw.

Napasinghap ako ng parang biglang tumingin sa direksyon ang aninong yun.

Nakadikit sa dibdib ko ang cellphone ko at paniguradong naririnig ni ate ang tibok ng puso ko.

Isinara ko ang pinto ng sobrang ingat na hindi makagawa ng kahit anong tunog. Nilock ko ito at pumasok sa kwarto kung asan natutulog si Dash.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon