LQ, lang po...

107 5 0
                                    

Nakaparada ako ngayon malapit sa harap ng bahay nila.

Ano sasabihin ko?

Hu!!! Dash ngayon ka pa kinakabahan!

Let's go!!! *sabay taas ng kamay sa ere*

Lalabas na sana ako ng sasakyan ng makita ko siyang tumatakbo palabas ng bahay.
Binuksan ko ng bahagya ang bintana para marinig ko sila.

"Nanay tama na...please...."

"Mahiya ka nga Bea, andito si Anthony."

Mula sa bahay biglang lumabas ang isang lalake at hinawakan ang kamay ni Bea.

Ano ba to? Bat biglang umiinit ang ulo ko.

Nawala lang ako ng saglit pumapapel na ang ulol na yun!!!

FIANCÉ KO SYA!!! FI.AN.CÉ!!! Kita mo singsing sa kamay nya? Ayan ang palatandaan na FI.AN.CÉ!!!

"Pasensya na Anthony, hindi talaga kita mapaakasalan."

"Bakit? Bakit ba?"

"Eh kasi...kasi..."

"Bakit di ka makasagot anak? Ano pa ba ang hinahanap mo? Mahal ka naman ni Anthony?"

"Eh ako nay?"

"Matututunan mo din syang mahalin nak? Ilang taon ka na? Saan ka pa makakahanap ng mapapangasawa? Tatanda kang walang kasama! Para naman sayo toh." Umiiyak na ang nanay ni Bea.

"Nay wag kayong ganyan, wag naman kayong umiyak..."

"Ikaw lang naman kasi ang iniisip ko, ayaw kong tumanda kang mag-isa."

"Nanay naman...Anthony pasensya ka na talaga..." At nagsimula naman syang umiyak.

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?"

"H-hindi ko alam..."

"Hindi mo malalaman hanggang hindi mo nasususbukan, nak subukan mo namang mahalin si Anthony."

"Wag na nating pilitin nay, handa naman akong mag-antay sa kanya."

"Wag!!! Wag mo na akong antayin..."

"Bakit Sammy?"

"K-ka-kasi...k-kasi..."

"Kasi ikakasal kaming dalawa at wag kang epal gago ka!"

"Pre! Akala ko ba hiwalay na kayo."

"Kakahiwalay lang namin susulutin mo agad?! Anong klase ka?"

"Nauna ako sayong mahalin sya!!!"

"Pero minahal ka ba nya?"

Tinulak nya ako ng napakalakas.


BEAST's POV

Tinulak ni Anthony si Dash kaya sya napa-upo.

"Mamahalin din nya ako!"

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon