Ang Dami Kong Konsensya

171 0 0
                                    

DASH's POV

Ipinili ko sya ng frameless na salamin pero ayaw nya.

"Bahala ka nga!"

"Talagang ako ang bahala!!! Ako naman ang magsusuot!!!"

Ikaw nga magsusuot ako naman laging makakakita!

At hanep ang pinili pa yung pinakamakapal ang frame. Buti na lang black.

"Oh ayan sinunod ko na lahat ng pinapagawa mo sa akin, pwede na ba akong umuwi?"

Anong sinunod?!? Naka-dress ka dapat, saka frameless na salamin alin ang sinunod mo dun?

"Hindi."

Hinila ko sya papuntang sasakyan.
Malalate na ako sa date namin ni Vivien.
Never pa akong na-late sa mga date.

"Dyan ka lang at wag kang aalis." Sabi ko sa kanya.
"Mang Julio wag nyong palalabasin yang babaeng yan kundi masesesante ka."

"O-opo sir. Hija sana lang may konsensya ka pa ha at wag ming subukang tumakas, ayoko pa mawalan ng trabaho."


BEAST's POV

"Marami pa po akong konsensya di gaya ng boss nyo!" Nilakasan ko pa para marinig nya.

"Ah hija hayaan mo na muna si boss, wag kang mag-alala safe ka naman sa kanya. Mukha lang syang demonyo pero mabait yun."

"Tsch~ tay mapanlinlang po ang mga demonyo, aakitin ka gamit ang pera, good looks at salita, kahit halos lahat magaganda eh demonyo pa din ang may gawa kaya dapat tanggihan."

"Ha ha ha mabait talaga yun si sir. Nga pala hija anong pangalan mo?"

"Beatrix Samantha Tu po. Eh si Mr. Handsome ano po bang pangalan nun?"

"Ah si sir Dash."

"Dash?!? Ano yun parang ganito." Gumawa ako ng " - " sa hangin.

"Hindi hija, Damien Sean Hemingway."

"Woah kung maka Hemingway parang writer lang. Half po ba?"

"Oo hija."

"Tay ano po bang ginagawa nya dun?"

"Ah nakikipag-date kang mam Vivien."

"Tapos iniwan tayong walang pag-kain, nagugutom na ako."

"Mamaya kakain din naman tayo."

Pero ilang oras na nakalipas, ano bang klaseng date ang nangyayari dun, baka may milagro na silang ginagawa, gutom na ako!!!!

"Tay bili po muna ako ng makakain natin."

"Hija baka masesante ako pag lumabas ka ng kotse."

"Tay saglit lang naman po, di kaya hatid nyo ko sa kainan or drive thru."

"Malayo drive thru dito hija."

"Sige na po tay gutom na gutom na po ako, matami pa naman po akong konsensya kaya hinding hindi ako makapapayag na mawalan ka ng trabaho dahil sa akin."

"Hija may tiwala ako sayo ha."

"Opo tay, dyan lang naman ako sa karinderya."




DASH's POV

Ang kulit talaga ni Vivien, kung makakapit akala mo asawa ko. Nalaman lang na hindi na aki nakikipag-date kay Monique sya naman ang pumalit.

Buti nga naktulog sya sa sofa.

Pinapanood ko ba naman ng boring na palbas, boring sa kanya sa akin nakakatawa.

Si Mr. Bean.

Pag-labas ko.
Napansin kong mag-isa lang si Mang Julio.
Makakasesante ako ng tao ng wala sa oras, di pa naman ako bumabali ng sinabi ko na.

"Mang Julio asan si Beast?!"

"Ah sir, bumili lang ng pag-kain nagugutom na kasi."

"At hinayaan mong lumabas?"

"Babalik din daw po syan."

"Babalik baka tinakasan ka na?Tandaan mo Mang Julio baka mamaya wala ka ng traba---"

"Tay sorry wala po akong mahanap ng karinderya. Oh ano tapos ka na? Uwi na ako, pakainin mo na din si Tatay at baka gutom na din sya." Bumalik pa talaga ha.

"Sakay!!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayoko!!! Gutom na ako at maghahanap ako ng kainan!!!" Aba ata matigas ang ulo.

Hinila ko sya sa braso at ipinasok ulit sa sasakyan.

"Aray!!!! Kung maka-hila ka naman!!! Namumula tuloy huhu." Sabay ihip nya sa braso.

Ang bilis namang tumatak ng kamay ko. Pulang pula na nga hugis kamay ko pa hahahahah.

"Oh bakit mo ko tinitingnan?!? Alam ko namang hindi ka nakokonsensya eh. Balat ko tuloy. Hmp!"

"Tay dun po tayo sa restaurant ni uncle."

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon