Expansion et Davao Lumiere

90 0 0
                                    


DASH's POV

"Oi miss dahil ba sa kawalan mo ng makaka-usap kaya ka nagbabasa ng fire extinguisher guide lines?"

Napatingin na lang yung babae na sobrang nahihiya.

"A-ah hindi po, tinitingnan ko yung minion donuts." Saka inipit ng babae ang nakawalang buhok sa kanyang tenga.

"Baliw ka na talaga Ned! Pati babaeng walang kamuwangmuwang pinagtritripan mo."

(Dedicated to MM and aebarry )"Eh sa, mukha nyang binabasa ang guidelines ng fire extinguisher

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Dedicated to MM and aebarry )
"Eh sa, mukha nyang binabasa ang guidelines ng fire extinguisher."

"Halika na nga! Excuse us miss. Pasensya nat may sayad lang si Ned."

"O-okay lang po."

Kinindatan naman ng walangya kong kaibigan ang babae bago kami tumalikod.

"So anong problema mo Dash?"

"Who said about problems?"

"You did?"

"Did not." Pero sininghalan lang ako ni Ned.
"Fine." Sabi ko habang umiiling.

"So ano na problema mo?"

Pumasok muna kami sa isang private bar ni Ned. Ang Bar-BQ.
I told him many times not to use that name but he still did. Di ko makuha ang humor niya. Pero ang iba tuwang-tuwa sa kalokohan nya.

Pag napapadaan ako sa bar niya, lagi kong tinatanong ang sarili ko, pano ba kami naging magkaibigan nito?

"Pre kanina ka pa tahimik dyan. Mukhang malaking problema nga." Inabutan niya ako ng isang baso ng scotch at tinanggap ko naman ito.

"Tsk."

"Si Bea nanaman ba?" Sabay tapik tapik pa sa likod ko.

"Tsk."

"Pre kung laging 'tsk' lang isasagot mo aalis na lang ako at maghahanap ng chix dun sa dance floor okay?"

Pero buntong hininga lang ang naibigay kong sagot.

"Ano na bro?"

"Bumalik sya."

"Sino?"

"S-si Josephine."

"Yan na sinasabi ko bro. Naghiwalay kayong walang closure. Ano daw pakay nya? Kaya ka ba naglasing?"

"I don't know Ned."

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon