New Found Friend

102 0 0
                                    


Habang inaayos ni Bea ang kanyang mga dadalhing gamit. Nag-flashback sa kanya yung nangyari nung isang linggo. Ang totoo halos araw-araw syang nag-flaflashback yung araw ng kasal nila.

Lihim na napangiti ito sabay lagay ng kanyang kamay sa kanyang dibdib.
'Relax lang heart, wag mong kalimutan lahat ng ito ay kasunduan lang.' Pakiusap nya sa kanyang puso.

"Anong tinatawatawa ng asawa ko?" Biglang tanong ni Dash na papasok sa kwarto nya.
Magkahiwalay kasi sila ng kwarto.

"Bakit bawal bang tumawa?" Napayuko sya kasi alam nyang namula sya sa tawag sa kanya na 'asawa', kahit pa nga pagpapanggap nanaman ang lahat.

"Hindi naman."

"Eh hindi naman pala eh."

At ipinasok na ni Bea ang huling t-shirt na dadalhin nya, naupo naman si Dash para maki-osyoso sa ginagawa ng asawa.

"Ano ba yan bakit puro t-shirt ang laman? Yung jacket at sweatshirts na binili ko asan na? Saka san na napunta yung mga shorts mo na hanggang tuhod?"

Ang mga shorts kasing nakalagay sa bag nya ay yung shorts na maiikli.

"Bakit anong problema dito eh naka-tshirt naman ako."
Sabay tayo ni Bea at ikot pa para mapakita ang kabuoan ng suot nya ngayon.

Black v-neck at short.

Napalunok na lang si Dash sabay ubo.

"Okay ka lang Dash?" Nakayukong hinimas ni Bea ang likod ni Dash.

Mas lalo pa itong inubo.




DASH's POV

"Bakit anong problema dito eh naka-tshirt naman ako."
Sabay tayo ni Bea at ikot pa para mapakita ang kabuoan ng suot nya ngayon.

Black v-neck at t-shirt.

Napalunok ako at naubo.
Ang ganda talaga ng babaeng napangasawa ko.

Kung alam mo lang Bea, hindi ka talaga beast.

"Okay ka lang Dash?" Hinimas ni Bea ang likod ko.

Mas lalo pa akong naubo, kasi konti na lang makikita ko na yung dibdib nya.

'Relax Dash, relax junior parang awa mo na.' Pagsusumamo ko sa sarili.

Parang bigla namang uminit.

"Wag na lang kaya tayong tumuloy."

"Eh bakit naman?" tanong nya habang naka-cross arms sa harap ko.

"Buohin na lang kaya natin yung unang dosena sa mga anak natin---AW!!!" Kasi pinagpapalo nya ako.

Tsk! Kasalanan mo naman toh eh, kung hindi ganyan ang suot mo.

"Sige na, sige na aalis na tayo, pag-balik na lang natin saka tayo magsimula." Di ko napansin agad na napakagat labi ako sa sinabi ko.


Papunta kami ngayon sa isang private beach resort, meron din kasi akong surprise para sa kanya.


"Sige tulog ka na muna dyan hon."

"Ano ang pinagsasabi mo?"

"Ang alin?" Tanong ko kasi di ko sya maintindihan eh pinapatulog ko lang naman sya, ano masama dun?

"May pa-HON hon ka pang nalalaman."

"Bakit eh mag-asawa naman na tayo ah."

"Kahit pa!"

"Anong kahit pa?! Ganyan naman dapat diba? Kahit nga mag boyfriend girlfriend pa lang eh may tawagan na."

"Tch~ boyfriend girlfriend pa, naudlot naman yung akin tapos biglaan pa akong nagpakasal, bakit ba kasi puro instant na lang ang lahat? Ni di man lang ako naka-experience ng nililigawan." Pabulong nyang sinabi pero narinig ko pa rin.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon