Can You Wait For Me...?

103 0 0
                                    

DASH's POV

'Relax Dash, you're a businessman you should know how to deal with this.' Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko.

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng huli naming pagkikita.

T*ng galaw lang talaga oo!!!

Bahala na.

Pinuntahan ko si Bea sa bahay nila, alam kong hindi sya magbubukas ngayon.

"Tao po..." Tawag ko.

Ang unang lumabas ay ang nanay ni Bea.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ko po bang makausap si Bea?"

"Para ano pa?"

Di lingid sa kalaman ko na galit oa din sa akin ang kanyang mga magulang.

"Kailangan ko po sya."

"Wag mo ng guluhin ang buhay ng anak ko. Nangako ka sa kanyang babalikan mo sya pero anong ginawa mo? WALA! Kaya makakaalis ka na!"

"N-nay..." Narinig ko ang paos na boses ni Bea, nakita ko syang pababa sa hagdan.

"B-bea?"

Pero hindi na ako napansin, hinihilot nya ang kanyang sentido at naupo lang sa baitang ng hagdan.

Bastos na kung bastos pero hindi ko pinakinggan ang sinasabi ng nanay ni Bea. Nagpumilit akong pumasok sa bahay nila at lumapit ka Bea.

"D-dash...? Anong ginagawa mo dito?". Tanong nyang habang nakatingin sa akin ang mapupungay at bagong gising nyang mga mata. Kinusot nya ito ng marahan, marahil di makapaniwalang nakapasok ako sa pamamahay nila.

"Pasensya ka na Bea." Hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Bea ang taas ng lagnat mo!" Sabi ko sabay buhat sa kanya papunta sa kotse ko para dalhin sa ospital, kasama ang kanyang nanay na natataranta.

Pagdating sa ospital at matapos syang tingnan, ang dahilan ng kanyang lagnat ay sobrang pagod.

"Ano po ba ang pinagkakaabalahan ng pasyente?" Tanong ng doctor.

"Lagi po syang nasa café nya. Minsan madaling araw na kung umuwi."

Kaya naman pala, kayod sya ng kayod.

Nakatingin lang ako sa mapayapang natutulog na mukha ni Bea ng bigla kong maalala ang sabi ni grandda sa akin.

Minsan daw sa hindi inaakalang panahon may nangyayaring bagay-bagay na wala kang kontrol, lalo na pagdating sa tunay na pag-ibig.

Di ko alam kung bakit ko yun naalala ngunit napangiti ako dito.

"Maraming salamat Dash." Sabi ng nanay ni Bea.

"Wala pong ano man."

Magsasalita pa sana ang nanay ni Bea ng uminat ang mga kamay ni Bea na parang may hinahanap.

Lumapit ang kanyang ina para hawakan ang kamay nya pero matapos itong yakapin ay agad na binitawan.

Nagsimulang maluha ang mga mata ni Bea na parang may hinahanap.



 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon