Si Beast, beast mode!!!

243 0 0
                                    

Pagkaalis ng mga magulang nya tumingin sya sa akin.

Oh ayan nanaman ang nakakatakot nyang mukha.

"Anong pinagsasabi mo ha?!?"

Ang totoo ewan ko.

"Bakit ayaw mo ba? Oh at least wala ka ng problema dyan kay Anthony." Matabang kong sabi.

"Wala nga eh ikaw naman ang problema, pano kung maghanap sila ng kasal????"

"Di sabihin mong nagdesisyon tayong mag-hiwalay." Matabang ko pa ring sabi.

"Tapos pipilitin nanaman nila ako kay Anthony?!? Ganun ba?!?"

"Problema mo na yun." Asan na kasi si Mang Julio ang tagal!

"Ewan ko sayo!!!!!"

"Beast wag kang beast mode lalo kang----"

"Pumapangit alam ko!!!"

"Buti naman alam mo." Nakatitig ako sa kanya habang naka tingin sya sa kalsada at sinasabunutan ang sarili.

"Oh anong tinitingin tingin mo dyan? Siguro iniisip mo kung pano ako papapatay?"


BEAST's POV

Nakatitig sya sa akin habang naka tingin ako sa kalsada at sinasabunutan ang sarili. Ramdam ko.

"Oh anong tinitingin tingin mo dyan? Siguro iniisip mo kung pano ako papapatay?" Waaaah wag naman please ang dami ko pang pangarap.

"Sakay!" Bigla nya akong sinigawan.

"Ha?!" Hala papatay na ata talaga ako.

"Ang sabi ko sakay, bingi ka ba o sadyang ganyan ang mga kagaya mo!"
Sige ulit-ulitin nyo pa, para mamanhid na ako sa katahang yan.

"Ayoko!" Pero hinigit nya ang braso ko at marahas na ipinasok sa sasakyan.

"Umupo ka ng maayos." Sabi nya habang nakapangalumbaba (tama po ba?) at naka tingin sa bintana. Di ako makalabas kasi naka-child lock ang kotse at nasa kanya ang susi.

Ano ba toh, kanina lang eh ang bait, to the rescue tapos ngayon ang harsh!

Nakakatamad naman.

"Oi uwi na ako." Sabi ko.

"Hindi pwede."

"Anong hindi pwede?!? Ibebenta mo ba lamang loob ko? Bakit nagkukulang ka na ba sa pera? Magtratrabaho ako, babayaran ko bawat piraso ng laman loob ko wag mo lang akong papapatay." Waaaah natatakot ako eh.

Pero di nya pa din ako pinapansin.

"Eeeeeeeh anong ginagawa natin dito?" Kanina pa kasi kami andito lang naka-upo sa loob ng kotse nya. Medyo okay lang sana kasi mainit sa labas, kaso ang awkward ng silence. Rinig na rinig ko ang paghinha nya.
Hay.

"Tumigil ka nga kabununtong hininga!" Ayon nagsalita din.

"Kausapin mo kasi ako."

Aba walangjo!!! Sige matulog ka kukunin ko susi ng sasakyan pag nakatulog ka na.

Ilang minuto pa ang nakalipas.

"Oooi!" Sabay wagayway ng kamay ko sa harapan nya.

Hmmm gising pa kaya toh oh nagtutulug-tulugan lang?

"Gising ka pa Mr. Handsome."

Naman kasi bakit nabasag pa ang salamin ko habang tumtakbo kanina. Puro crack ang nakikita ko sa mukha.

Tinanggal ko muna salamin ko tutal nakakkita naman ako sa malapitan.

Tiningnan ko ang mukha nya ng malapitan.

Ang handsome nga. Pero mukhang hindi tulog eh, kasi nakasmile, kung hindi lang medyo naghihilik eh.

"SIR!!!!"

"Ay palakang matanda!!!!"
Nagulat ako ng may kumatok sa bintana. Naumpog tuloy tuktuk ko sa sasakyan tapos napaluhod sa harap mismo ni Mr. Handsome.

Nakapikit lang ako dahil sa sakit.

Pero sana pala hindi ko na lang dinilat ang mga mata ko.

Kasi pag-dilat ko.

Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Ang mga labi namin hindi lang magkalapit...magkalapat na parang sinadya.

Nanlaki ang singkit nyang mga mata.
Ako din!!!!!!!

Leshe!!!! First kiss ko!!!!! Ibalik mong monster ka!!!!

"Ah sir." Saka lang ako nakagalaw.

Di ko nga alam na yung isa kong kamay nasa ano....uhm....malapit doon.

!(◎_◎;) -> Mr. Handsome
(b_d) -> Me

Walang may nagsalita sa amin.

Napakabilis ng pangyayari eh.

Pero yung first kiss ko.

Sabi ko pa naman hinding-hindi ko yun ibinigay kahit kanino.

Huhuhuhu.

"Bakit ka naman umiiyak?" Tanong nya.

"K-kasi...." sabihin ko ba?

"Tsk ANO???" Waaaah galit na.

('Д' )

Mas lalo tuloy akong na-iiyak.

"P-please wag mo akong ipapatay. A-aksidente lang y-yun. S-saka, hu hu hu hu yun y-yung f-first k-k-kiss koooooo..."

Ayon tuluyan bumuhos ang mga luha ko.

Kung bakit kasi nilapitan ko pa.

Sa kagustuhan kong makatakas mas lumala pa ata ang sitwasyon.

Ilang oras na kaming ganito.

Naka-upo ako na ang mga kamay nasa tuhod ko, tinitingnan ko lang mga kamay ko habang patuloy pa din ang pag tulo ng mga luha ko.

Tsch~

Sa labas naman ayun may inaayos sila.

Si Mr.Handsome ganun pa din ang itsura nakatingin sa labas.

"Wag ka ngang maingay!!!"

"S-sorry talaga."

"Tapos na nangyari na. Kasalanan mo kaya wag kang iiyak-iyak dyan!"

Mas galit pa ata ito sa akin. Kung sabagay sa gwapo nya, tapos bigla nahalikan ng pangit na katulad ko. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah first kiss kooooooooo.

"Nagrereklamo ka ma ganito ka gwapo ang naka-unang halik mo?!?!"

"Huh?!" Saan galing yun? Pero di naman sa nagrereklamo ako. Reserved yun!

"Ako dapat magreklamo kasi ikaw pa..."

"Ako ang?? Pangit oo na!!!"

"Wala tumigil ka na at lalo kang pumapangit."

"S-sorry na."

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon