Hubad, kukunin na ang lamang loob ko!!!

207 3 0
                                    

DASH's POV

Daf*q!!!

Pagdilat ko kasi ng mata ko, ayon may beast na nakaibabaw sa akin. Yung kamay nya ata isang cm na lang ang layo sa treasure ko.

Ang pinakanakakainis pa nito!!!!

Sya pa ang unang halik ko.

Tang*na lang oh!

How kayo kahit playboy ang tingin nyo sa akin, hanggang flirt lang ako.

Saka nangako ako sa sarili ko na....

Ah basta tang*na lang talaga!!!!!

Humanda ka ngayong pangit ka di kita pakakawalan hanggang di ako nakakganti.

"Ako dapat magreklamo kasi ikaw pa..." Malapit ko pang masabi na first kiss ko yun. Sh*t!!!

"Ako ang?? Pangit oo na!!!"

"Wala tumigil ka na at lalo kang pumapangit." Tapos naalala ko yung mukha nya sa malapitan. Nakakanginig!

"S-sorry na."

Di ko muna pinansin. Baka kung ano pa ang masabi ko.

"Sir okay na po. Tuloy pa po ba tayo kay mam Vivien?"

"Oo tuloy tayo, may ilang oras pa naman tayo. Pero daan muna tayo sa botique ni mommy."


BEAST's POV

Sana nga natunaw na lang ako kanina.
Ang sama pa din ng tingin nya sa akin.


*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
Yan yung itsura ko ng bigla nyang hawakan ang balikat ko.
Papapatay nya na ako.

Andito kasi kami sa may warehouse.

"Labas!" Sigaw nya sa akin.

Eto na, dito na magtatapos ang kwento ng buhay ko. Mamamatay na ako ng tuluyan. Wala na.

Nanginginig ang buong katawan ko habang dahan-dahang sumusunod sa kanya, yung driver nya naman nasa likod ko lang.

"Mamanh driver, sana po bago nyo ako patayin may maibigay akong mensahe sa mga magulang ko."

"Ano bang pinagsasabi mo hija?"

"Kasi ang laki ng kasalanan ko sa boss mo, kaya baka papapatay nya na ako o di kya sya mismo papatay sa akin. Nooooo! Babalatan nya ako ng buhay tapos bubuhusan ng asin. Hu hu hu"

"Hahahaha nakakatawa kang bata ka." Ano ang nakakatawa sa sinabi ko.

Oh no! Magkasabwat nga pala sila at binigyan ko ng idea kung ano ang pwede nilang gawin sa akin.

"Pasok!"

"Eh ang dilim."

"Pasok sabi!"

Oo na eto na papasok na, tanggap ko na ang kapalaran ko.

Tapos naramdaman ko na lang parang may humila sa akin tapos ang pagsara ng pinto. Nilagyan ng piring ang mga mata ko.

Madilim na nga eh.

Tapos nakagapos na ang mga kamay ko.

Maya-maya lang may nagtatanggal na ng damit ko.

"Magtratrabaho na lang po ako wag nyo lang pong ibenta ang laman loob ko."

Tapos nakarinig ako ng tawanan.

Wala hubad na talaga ako.

Biglng lumamig!!!

"Maligo ka muna." Boses ng babae.

"Pero wag na wag mong tatanggalin ang piring mo kung hindi malalagot ka.

"Opo hindi ko po tatanggalin."

Ang daming nag-scrub sa likod ko. Pero syempre diba hindi naman nila pwedeng i-scrub ang buong katawan ko, meron ding parte na dapat ako lang.

Bago pa ako makaramdam ng parang bathrobe, may ibinuhos muna sa akin na maligamgam na tubig. Nakakarelax. Sarap.

Pinadapa naman nila ako sa kung anong malambot.

Tapos nun wala na akong maalala.

Nakatulog ata ako ng ilang minuto.


"Hija, gising."

"P-po? Kukunin nyo na po ba lamang loob ko?"

"Ha?" Tapos tumawa sya.

"Please wag po muna kasi magsusulat lang po ako ng letter para sa mga magulang ko."

"Ha ha ha tama si Dash ang weird mo nga. Eto oh isuot mo."

Binigyan nya ako ng dress na pastel yellow tapos may mga design na flowers. Ang kyut!

"Ah hindi po bagay yan sa akin. Yung damit ko na lang po ulit."

"I was thinking you'll be saying that. Then take this instead."

Inabot nya sa akin yung parang skinny jeans na ripped and faded tapos white v-neck na t-shirt then high-cut na canvas.

Okay eto na lang.

Pero inabot nya pa din sa akin yung dress.
Nilagay nya yun sa paper bag.

Tapos nakapiring ako ulit.

Gah ano ba toh?

Ilang minuto lang nakalipas tinanggal na nila ang ang piring ko sa mata.

Sobrang liwanag!
Nakakasilaw!

"Bakit yan ang suot mo?"

"Dash wag ka nga! Hayaan mo na sya."

"Fine!"

Tapos nung sa wakas makapag-adjust na ang mga mata ko.

Wala pa din akong makita kasi wala akong salamin.

"San po yung salamin ko?" Tanong ko sa katabi ko.

"Tinapon na namin."

"Huh? Bakit po, eh wala akong makita."

"Don't worry bibili na lang ng bago si Boss."

"Po?!"

"Wala sige na, hoy Dash kung ayaw mong magkanda dapa-dapa tong babaeng toh lumapit ka na at dalhin sya sa optical clinic."

"Bulag kasi!" Dinig kong sigaw nya.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon