3 6 5 : I LOVE---

107 0 0
                                    

BEA's POV

Ng nakatulog na sila nanay at tatay, di pa din ako makatulog. Nasa gitna nila ako natutulog, bata lang.

Ito kasing si utak daming alam, daming iniisip.
Tama nga siguro si Dash, nababaliw na ata ako.

Hinalikan ko muna si nanay at tatay sa noo, mukhang mali yung desisyon ko na matulog sa gitna nila, ngayon tuloy hirap akong makaalis na hindi sila nagigising.

Maglalakad-lakad muna ako sa labas, magpapahangin.

Habang naglalakad ako sa may beach, mga alas dyes na ng gabi, yung utak ko kung saan-saan na nagpunta.

Nakatingin ako sa mga taong naglalakad-lakad din sa may dalampasigan. Marahil hindi rin makatulog, di kaya walang magawa, may date o nabubuhay sa gabi kasi may party, mga taong may night life. Meron din naman ako, pero nagbabasa lang ng libro sa gabi o di kaya nanonood ng mga palabas.

Ng makalayo na ako sa hotel namin napabuntong hininga ako ng napakalas.

Ang dami nanamang nasa isip ko ngayon, may fiesta ata, di ko na alam kung sino ang sino at kung ano ang ano.

Iisa lang ang sigurado ngayon ...

Kasal na ako.

Sa taong di ko naman lang naging boyfriend na totoo.

Totoo ang kasal namin, pero ang relationship hindi.

Hay!

"Lalim ah..." Napatalon ako sa biglang nagsalita sa gilid. "Sorry didn't mean to frighten you."

Medyo natagalan bago pa maka-adjust ang mata ko sa taong kaharap ko. Kung di lang dahil sa buwan, malamang sa malamang tumakbo na ako sa takot.

"S-seffi?"

"Sam, sorry I didn't mean to scare you. Lalim lang kasi ng buntong hininga mo, mukhang may problema ka din. Wanna join me?" Sabay taas ng kanyang wine bottle na nangalahati na.

"May problema ka din?"

"Meron eh."

"Ano problema mo?"

"Just like you, lalake din."

"Huh?"

"Deary wag mo ng ipag-kait lalake yang prinoproblema mo."

"Pano mo naman nalaman?"

"Eh dahil sa singsing mo."

"Ha?"

"Yung singsing mo, I know you're married and yet here you are walking by the beach, ALONE, and sobrang layo ng tingin mo."

"Ah-he he he.." natawa na lang ako kasi tama sya.

"So I am right?"

Tumango na lang ako. Tama sya eh.

"Well boys are problems. Just like we girls are to them."

"Bakit ano bang nangyari sayo?...ay sorry di na dapat ako nagtatanong." Nahihiya kong sabi.

"No...no...it is okay....you see may tao akong minamahal ng matagal na. Kaso iniwan ko sya at sinaktan, magkaiba kasi kami ng priorities. Priorities ko kasi ang family ko, at isa pang very private, nahihirapan din kasi ngayon ang kompanya namin dahil sa tito ko na inaangkin ang kompanya ni dad. Dapat sana kung inuna ko sya kasal na kami, ang tangin nagawa ko lang ngayon ay ang maging isa sa minor share holder ng kompanya nila. That's how close I am to him and I barely saved our company."

Wow...grabeh pala nangyari sa kanya.
Tumangu-tango lang ako, wala kasi akong alam sa mga kompanya kompanyang ganyan, hanggang café lang ako at wala pang kasosyo.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon