Lost

130 0 0
                                    

Natapos na din ang dalawang linggong palugit ni Mash kay Dash.

At sa loob ng dalawang linggo ay hindi mapakali si Dash sa pag-iisip kung ano ang gagawin upang makabawi kay Bea. Lalo pat ilang araw nya din itong hindi nakikita.

Balak nyang pakasalan ulit si Bea. This time sa Pilipinas na at kasama ang mga magulang niya pati na rin ang kapatid nito.


Inihanda na nya ang mga dadalhin nya at gagamitin nya upang suyuin ang asawa.

Sa ilang araw na pinagbawalan ni Mash si Dash na umalis sa bahay nila Bea ay naramdaman nyang mas naging malambing ito. Kahit pa most of the time ay ang kaharap nya ay ang kanyang laptop.

Alam nya kung saan pupuntahan si Bea, sinabi yun ng kanyang kuya.

Hindi na nya tinawagan ang kanyang driver, sya na mismo ang magmamaneho papunta sa kanyang asawa. Wala syang pakialam sa companya nya ngayon. Aayusin niya muna ang kanyang pamilya.

Para makasama ang babaeng pinakamamahal.


Ngayon ay alam nya na ito.

Handa syang gawin ang lahat para kay Bea.


Sa kabilang banda.

Nag-ayos si Bea dahil mamamasyal daw sila ni Mash sa may open field.

Nakasuot sya ng isang light blue na dress. Hindi ito hapit sa kanyang katawan lalo na sa may bewang.

Tumagilid sya at hinagod ang damit mula sa ilalim ng dibdib pababa sa may puson upang makita ang kanyang umbok na tiya.


Napangiti sya sa kanyang nakita. Mabilis na lumalaki ang kanyang tiyan. Medyo nakakaramdam na din sya ng paunti-unting galaw nito.

Panghuli nyang isinuot ang kanyang stretchable na shorts at tennis shoes na nahirapan syang isuot kung hindi sya tinulungan ng kanyang personal na nurse.

Magkasamang namamasyal ng ayon si Mash at Bea.

Si Tanaka ay kinailangang bumalik muna sa Japan. Makikipagkita na lamang si Bea sa kanilang ama kapag nakapanganak na ito.

"Ano na ang plano mo Bea?" Nakatingala si Mash ngayon at nag-aantay ng sagot mula kay Bea.

Kasalukuyang nakasakay si Bea sa kabayo at hawak-hawak ni Mash ang tali nito.

"Bukas, gusto ko ng pumunta kay Dash. Sasabihin ko na sa kanya ang lahat."

"Kahit pa alam mong nandoon si Joseohine?"

"Kailangan nyang malaman, kasi hindi ko din naman maitatago paglumobo na ako ng tuluyan." Natatawa nyang sagot kay Mash habang hinihimas ang kanyang limang buwang umbok.


"This time are you sure?"

"Opo kuya."

"Nga pala Bea. Bago ka isugod sa hospital. Ano ba talaga ang nangyari?"

Napahigpit si Bea sa pagkakahawak sa buhok ng kabayo kaya tumigil ito.

"H-hindi ko maalala kuya." Napakagat labi sya sa sariling sagot.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon