Dash for a Week : Day 2

127 3 0
                                    

DASH's POV

Sarap ng tulog ko ah.
Tagal ko ng hindi nakakatulog ng mahimbing.
Ang aga ko pang nagising, hindi ko na kinailangan ng alarm clock.

Pero parang ang bigat naman sa katawan.

Ng maka-adjust na ang mga mata ko, ayun nakapatong ang mga paa ni Beast sa tiyan ko, yung ulo naman nya parang mahuhulog na sa gilid ng kama.

Ang likot naman matulog.
Pano kaya ako naka-survive buong gabi?

"Hoy Beast gising na!!!"

"3 more minutes please..." Tinakpan nya pa ang mata nya.

Hinila ko yung kamay nya para maayos yung pagkakahiga nya. Hindi pa din nagigising.

Bigla akong nag-karoon ng idea.

BEAST's POV

ANO TOH?!?!

Bakit para akong lumpia?
Hindi tuloy ako makagalaw.

"DAAAAAAAAAAAAAAAAAAAaaaaaaaaaaaaaaaash!!!!!!!"

Tawa pa ng tawa, dinig ko habang papasok pa lang sya ng kwarto.

"Ano?" Nagkukunwaring inosente eh kaming dalawa lang naman ang nandito eh.

"Pakawalan mo ako!!!"

"Ayaw mo nyan garantisadong walang makakakuha ng lamang loob mo. Bahahahahahahhaahhahaha!!"

Eto kung makatawa wagas, ang init na kaya!

"Tsaka ang likot mong matulog kagabi kaya ayan. Bahahahahah!!!"

Tama na katatawa. Hmp!

"Kasi!!! Ewan ko sa-ack!"

Kasi ang init hindi na ako makahinga.

"Ano?"

"Please pakitanggal na, nahihirapan akong huminga..." hahaha biro lang

Grabeh na ata pawis ko.

Nakita ko naman na parang nakonsensya sya at pinakawalan ako.

At pagkatapos nya akong pakawalan.

"Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!"

Sumampa ako sa likod nya ng tumalikod sya.
Hawak ko pa din yung kumot at pinulupot ko yun sa ulo nya.

Haahahahahahahha

"Hoy anong ginagawa mo?!"

"Para makatakas na ako dito, baka mamaya kunin mo talaga lamang loob ko."

Sabay tali sa kumot at bumaba na ako para tumakbo.

Pero nung nasa may pinto na ako biglang may humila sa kamay ko.

"Bitawan mo ako!!!"

"Baliw ka ba? Tatakbo ka ng bulag." Kasi di ko suot salamin ko.

Nagtangka akong magpumiglas.
Eh yun tuloy napahiga ako.
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko, bahala na, eto na talaga ang huli!

Ng biglang...

"Bwuahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahaahahahahhaahahahahahhahaha!!!!"

Ano tinatawa neto? At bakit sya tumatawa? Si Dash pa ba ang kasama ko.
Ngayon ko lang sya narinig na ganito kung makatawa.

"Bakit?" Sabi ko habang nakapatong sya sa bewang ko at hawak dalawa kong kamay.

"Ba-kit naman Bar-bie ang design ng bra mo?" Sabay tawa pa din ng tawa.

"Che! Sa yan yung binili ni nanay." Nahihiya na ako, ramdam ko na mga luhang nangingilid sa mga mata ko.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon